Lumaktaw sa pangunahing content
OpenAI

Updated: Mayo 18, 2026

Patakaran sa pribasiya ng US

(Nakaraang bersyon)

Para sa mga indibidwal sa European Economic Area, United Kingdom, at Switzerland, pwede mong basahin ang
bersyong ito ng aming Patakaran sa Pribasiya.

Sa OpenAI, ang misyon namin ay tiyaking makikinabang sa artificial general intelligence ang lahat. Gumagawa kami ng mga tool na gaya ng ChatGPT at Sora para matulungan ang mga tao na matuto, lumikha, at lumutas ng mga problema. Kami sa OpenAI (kasama ng mga affiliate namin, “OpenAI”, “kami”, “amin” o “namin”) ay determinadong igalang ang privacy mo at pursigidong mapanatiling ligtas ang kahit anong impormasyon na nakukuha namin mula sa iyo o tungkol sa iyo. Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy na ito ang mga practice namin may kaugnayan sa personal na data na kinokolekta namin mula o tungkol sa iyo, at kung paano namin ito ginagamit kapag ginagamit mo ang website namin, mga application, at serbisyo (sama-samang tinutukoy bilang “Mga Serbisyo”). 

Hindi saklaw ng Patakaran sa Privacy na ito ang content na pinoproseso namin para sa mga customer ng mga business offering namin, gaya ng API namin. Ang paggamit namin ng data na iyon ay sakop ng mga kasunduan namin sa customer na sumasaklaw ss pag-access at paggamit ng mga offering na iyon.

Para sa impormasyon sa kung paano kami nangongolekta at gumagamit ng impormasyon sa pagsasanay para i-develop ang mga modelo ng wika namin na nagpapagana sa ChatGPT at iba pang Mga Serbisyo, at ang mga pinipili mo may kaugnayan sa impormasyong iyon, tingnan ang patakarang ito pati na rin ang artikulong ito ng sentro ng tulong(magbubukas sa bagong window).

1. Personal na Data na kinokolekta namin

Kinokolekta namin ang personal na data na may kaugnayan sa iyo (“Personal na Data”) tulad ng sumusunod:

Personal na Data na Ibinibigay Mo: Kinokolekta namin ang Personal na Data kung gumawa ka ng account para gamitin ang aming mga Serbisyo o makipag-ugnayan sa amin sa mga sumusunod na paraan:

  • Impormasyon ng Account: Kapag gumawa ka ng account sa amin, kokolektahin namin ang impormasyong nauugnay sa account mo, kasama na ang pangalan mo, contact information, mga kredensyal ng account, petsa ng kapanganakan, impormasyon ng card sa pagbabayad, at history ng transaksyon, (sama-samang tinutukoy bilang “Impormasyon ng Account”). Sa ilang Mga Serbisyo namin, makakapag-upload ka ng larawan sa profile, username, o iba pang impormasyon bilang bahagi ng Impormasyon ng Account mo.
  • Content ng User: Kinokolekta namin ang Personal na Data na ibinibigay mo sa input sa aming Mga Serbisyo (“Content”), kasama ang iyong mga prompt at iba pang content na ina-upload mo, gaya ng mga file(magbubukas sa bagong window), mga larawan(magbubukas sa bagong window), audio at video(magbubukas sa bagong window), mga tauhan sa Sora(magbubukas sa bagong window), at data mula sa mga nakakonektang serbisyo(magbubukas sa bagong window), depende sa mga tampok na iyong ginagamit. Sa ilang Mga Serbisyo namin, magagawa mong makihalubilo sa iba pang mga user, halimbawa, mag-post, magkomento, o magpadala ng mga mensahe, at itinuturing din namin na Content ang mga interaksyong iyon.
  • Impormasyon sa Komunikasyon: Kung makikipag-ugnayan ka sa amin, halimbawa sa pamamagitan ng email o sa aming mga page sa mga site ng social media, maaari kaming mangolekta ng Personal na Data tulad ng iyong pangalan, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, at ang nilalaman ng mga mensaheng ipinapadala mo (“Impormasyon sa Komunikasyon”).
  • Data ng Contact: Kapag pinili mong ikonekta ang mga kontak sa device mo, ina-upload namin ang impormasyon mula sa mga address book ng iyong device at sinusuri kung alin sa mga contact mo ang gumagamit din ng aming Mga Serbisyo. Kung may sinuman sa iyong mga kontak ang hindi pa gumagamit ng aming Mga Serbisyo, ia-update ka namin kapag nag-sign up sila sa aming Mga Serbisyo sa ibang pagkakataon. Dagdagan ang nalalaman(magbubukas sa bagong window) tungkol sa pagkonekta ng iyong mga contact at kung paano namin ginagamit ang na-upload na impormasyon ng kontak(magbubukas sa bagong window) ng mga taong hindi gumagamit ng aming Mga Serbisyo.
  • Iba Pang Impormasyon na Ibinibigay Mo: Kinokolekta namin ang iba pang impormasyon na ibinibigay mo sa amin, gaya ng kapag nakibahagi ka sa aming mga event o survey, o kapag nagbibigay ka sa amin o sa isang vendor na nag-o-operate sa ngalan namin ng impormasyon para matukoy ang pagkakakilanlan o edad mo (sama-samang tinutukoy bilang, “Iba Pang Impormasyon na Ibinibigay Mo”).

Personal na Data na Natatanggap Namin mula sa Paggamit Mo ng Mga Serbisyo: Kapag bumibisita ka, gumamit, o nakipag-interact sa Mga Serbisyo namin, natatanggap namin ang sumusunod na impormasyon tungkol sa pagbisita, paggamit, o interaskyon mo:

  • Log Data: Kinokolekta namin ang impormasyon na awtomatikong ipinapadala ng iyong browser o device kapag ginagamit mo ang aming mga Serbisyo. Kasama sa log data ang iyong Internet Protocol address, uri at mga setting ng browser, ang petsa at oras ng iyong kahilingan, at kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming mga Serbisyo.
  • Data ng Paggamit: Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong paggamit at aktibidad sa lahat ng Mga Serbisyo, gaya ng mga uri ng content na tinitingnan o nilalahukan mo, ang mga tampok na iyong ginagamit at ang mga aksyon na ginagawa mo, kapag nagsumite ka ng feedback sa sagot ng modelo, ang mga taong kahalibulo mo, pati na rin ang iyong time zone, bansa, mga petsa at oras ng pag-access, user agent at bersyon, uri ng computer o mobile device, at ang koneksyon ng iyong computer. Kung Atlas browser ang iyong ginagamit, posibleng kolektahin din namin ang data ng browser mo alinsunod sa iyong mga kontrol(magbubukas sa bagong window) at paggamit ng serbisyo. 
  • Impormasyon ng Device: Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa device na ginagamit mo para ma-access ang Mga Serbisyo, gaya ng pangalan ng device, operating system, mga device identifier, at browser na ginagamit mo. Ang nakolektang impormasyon ay depende sa uri ng device na ginagamit mo at sa mga setting nito.
  • Impormasyon sa Lokasyon: Tinutukoy namin ang pangkalahatang lugar kung saan ina-access ng device mo ang aming Mga Serbisyo batay sa impormasyong gaya ng IP address nito para sa security at para mas mapaganda ang karanasan mo sa produkto, halimbawa, para maprotektahan ang account mo sa pamamagitan ng pag-detect sa di-pangkaraniwang pag-login o para magbigay ng mas tamang mga sagot. Bukod dito, sa ilang Mga Serbisyo namin, mapipili mong magbigay ng mas eksaktong impormasyon ng lokasyon mula sa device mo, gaya ng impormasyon ng lokasyon mula sa GPS ng device mo.
  • Cookies at Mga Katulad na Teknolohiya: Gumagamit kami ng cookies at mga katulad na teknolohiya upang mapagana at mapamahalaan ang aming Mga Serbisyo, at mapahusay ang iyong karanasan. Iniimbak namin ang ilan sa impormasyong inilarawan sa Patakarang ito gamit ang cookies, halimbawa para makatulong na mapanatili ang iyong mga preperensya sa iba't ibang sesyon kung hindi ka naka-log in, o para makatulong sa awtentikasyon o suporta sa customer. Para sa mga detalye tungkol sa paggamit namin ng cookies, basahin ang aming Abiso sa Cookie.

Impormasyong Natatanggap Namin mula sa Ibang Pang mga Source: May mga impormasyon kaming natatanggap mula sa iba pang mga source, gaya ng mga pinagkakatiwalaan namin mga partner sa security at safety para protektahan ang safety at maiwasan ang pandaraya, pang-aabuso, at iba pang banta sa aming Mga Serbisyo, at mula sa mga vendor ng marketing na nagbibigay sa amin ng impormasyon tungkol sa mga potensyal na customer ng aming mga serbisyo sa negosyo.

Posibleng makatanggap kami ng impormasyon mula sa mga advertiser at iba pang mga partner sa data, na ginagamit namin para sa mga layunin kabilang ang pagtulong sa amin na masukat at mapahusay ang pagiging epektibo ng mga ad na ipinapakita sa mga user ng Free at Go sa aming Mga Serbisyo. Halimbawa, puwede kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga pagbiling ginagawa mo mula sa mga advertiser na ito.

Nangongolekta rin kami ng impormasyon mula sa iba pang mga pinagmumulan, gaya ng pampublikong impormasyong makikita sa internet, para i-develop ang mga modelo na nagpapagana sa aming Mga Serbisyo. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga pinagmumulan ng impormasyong ginamit para i-develop ang mga modelo na nagpapagana sa ChatGPT at iba pang Mga Serbisyo, tingnan ang artikulong ito ng sentro ng tulong(magbubukas sa bagong window).

2. Paano namin ginagamit ang Personal na Data

Ginagamit namin ang Personal na Data para sa mga sumusunod na layunin:

  • Para magbigay, magsuri, at mapanatili ang aming mga Serbisyo, halimbawa para tumugon sa mga tanong ninyo para sa ChatGPT;
  • Para ma-improve at ma-develop ang Mga Serbisyo namin at magsagawa ng research, halimbawa, para mag-develop ng mga bagong feature;
  • Para i-personalize at i-customize ang karanasan mo sa aming Mga Serbisyo, halimbawa para magbigay sa iyo ng mas relevant na Content;
  • Para sa mga user ng Free at Go, para i-personalize ang mga ad na nakikita mo sa aming Mga Serbisyo (depende sa iyong mga setting), at para masukat ang pagiging epektibo ng mga ad na ipinapakita sa aming Mga Serbisyo. Alamin pa(magbubukas sa bagong window) ang tungkol sa mga ad sa aming mga serbisyo;
  • Para makipag-communicate sa iyo, kasama na ang pagsagot sa mga tanong mo, at magpadala sa iyo ng impormasyon tungkol sa aming Mga Serbisyo at mga event, halimbawa tungkol sa mga pagbabago o pagpapahusay sa Mga Serbisyo;
  • Upang i-promote ang aming mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng direktang marketing at sa mga pag-aari ng third party, at upang tasahin ang pagiging epektibo ng mga pagsisikap na iyon, alinsunod sa iyong mga pinili at kontrol (dagdagan ang nalalaman(magbubukas sa bagong window)); 
  • Tukuyin ang mga contact mo na gumagamit ng aming mga Serbisyo kapag pinili mong ikonekta ang mga contact mo at i-update ka kapag sumali sila sa aming Mga Serbisyo sa ibang pagkakataon;
  • Para maiwasan ang pandaraya, ilegal na aktibidad, o maling paggamit ng aming Mga Serbisyo, at para maprotektahan ang seguridad ng aming mga system at Mga Serbisyo, kasama na ang pagsubaybay sa anumang Content na isinumite o ipinagpalit sa aming mga platform (dagdagan ang nalalaman dito); at
  • Para makasunod sa mga legal na obligasyon at maprotektahan ang mga karapatan, privacy, safety, o ari-arian ng aming mga user, ng OpenAI, o mga third party, halimbawa para maiwasang mapinsala ka o ang iba, o para matantya ang edad mo at makapagbigay ng karanasang angkop sa edad mo.

Pinagsasama-sama rin namin o dinide-identify ang Personal na Data para hindi ka na ma-identify at magamit ang impormasyong ito para sa mga layuning inilarawan sa itaas, gaya ng pag-analisa sa paraan ng paggamit ng aming Mga Serbisyo, para ma-improve at magdagdag ng mga feature sa mga ito, at para magsagawa ng research. Papanatilihin at gagamitin namin ang nakade-identify na impormasyon sa anyong nakade-identify at hindi susubukang i-reidentify ang impormasyon, malibang hiniling iyon ng batas.

Tulad ng nabanggit sa itaas, posibleng gamitin namin ang Content na ibinibigay mo sa amin para mapahusay ang aming Mga Serbisyo, halimbawa para sanayin ang mga modelo na nagpapagana sa ChatGPT. Basahin ang aming mga tagubilin(magbubukas sa bagong window) kung paano kayo makakapag-opt out sa paggamit namin ng iyong Content para sanayin ang aming mga modelo.

3. Pagbubunyag ng Personal na Data

Isinisiwalat namin ang Personal na Data mo sa mga sumusunod na kalagayan:

  • Mga Vendor, Tagahatid-seribsyo, at Katuwang sa Marketing: Para matulungan kaming matugunan ang mga pangangailangan sa mga pamamalakad ng negosyo at magsagawa ng ilang partikular na serbisyo at kakayahan, isinisiwalat namin ang Personal na Data sa mga vendor, tagahatid-serbisyo, at katuwang sa marketing, kasama na ang mga tagahatid-serbisyo sa hosting, vendor ng serbisyo sa customer, serbisyo ng cloud, serbisyo sa paghahatid ng content, mga serbisyo sa suporta at kaligtasan, software sa komunikasyon sa email, serbisyo sa web analytics, pamproseso ng bayad at transakasyon, tagahatid-serbisyo para sa paghahanap at pamimili, at tagahatid-serbisyo sa information technology. Nakikipagtulungan din kami sa mga tagahatid-serbisyo na tumutulong sa amin sa pagbeberipika ng edad at pagkakakilanlan, at pwede mong dagdagan ang iyong nalalaman dito⁠(magbubukas sa bagong window). Kapag nakikipagtulungan kami sa Mga Tagahatid-serbisyo, ia-access, ipoproseso, o iiimbak ng mga partidong ito ang Personal na Data alinsunod sa aming mga tagubilin at habang ginagampanan lang nila ang kanilang mga tungkulin sa amin. Nagbabahagi rin kami ng limitadong impormasyon sa ilang piling katuwang sa marketing na hindi mga tagahatid-serbisyo para i-promote ang aming mga produkto at serbisyo sa mga pag-aari ng third-party at tulungan kaming masuri ang pagiging epektibo ng mga pagsisikap na iyon. Maaaring makatanggap ang ilan sa mga katuwang na ito ng impormasyon sa pamamagitan ng cookies at mga katulad na teknolohiya. Dagdagan ang nalalaman tungkol sa mga kasanayang ito at sa mga maaaring mapagpilian dito(magbubukas sa bagong window).
  • Mga Paglilipat ng Business: Kung kami ay kasangkot sa mga estratehikong transaksyon, reorganisasyon, pagkalugi, receivership, o paglipat ng serbisyo sa ibang provider (sama-samang tinutukoy bilang isang “Transaksyon”), ang iyong Personal na Data ay maaaring isiwalat sa proseso ng pagsisiyasat sa mga kasangga at iba pang tumutulong sa Transaksyon at mailipat sa kahalili o kaanib bilang bahagi ng Transaksyon kasama ng iba pang mga asset.
  • Mga Awtoridad ng Gobyerno o Iba Pang Third Party: Maaari naming ibahagi ang iyong Personal na Data, kabilang ang impormasyon tungkol sa iyong pakikipag-ugnayan sa aming mga Serbisyo, sa mga awtoridad ng gobyerno, mga kasamahan sa industriya, o iba pang third party alinsunod sa batas (i) kung kinakailangan para sumunod sa legal na obligasyon, o sa mabuting paniniwala na ang naturang aksyon ay kinakailangan para sumunod sa legal na obligasyon, (ii) para protektahan at ipagtanggol ang aming mga karapatan o ari-arian, (iii) kung aming matukoy, sa aming sariling pagpapasya, na may paglabag sa aming mga tuntunin, patakaran, o sa batas; (iv) para matukoy o maiwasan ang pandaraya o iba pang ilegal na aktibidad; (v) para protektahan ang kaligtasan, seguridad, at integridad ng aming mga produkto, empleyado, user, o publiko, o (vi) para protektahan laban sa legal na pananagutan.
  • Mga Affiliate: Isinisiwalat namin ang Personal na Data sa aming mga affiliate, ibig sabihin, isang entity na kumokontrol, kinokontrol ng, o nasa ilalim ng karaniwang kontrol ng OpenAI. Maaaring gamitin ng mga affiliate namin ang Personal na Data na ito sa paraang naaayon sa patakarang ito.
  • Mga Administrator ng Business Account: Kapag sumali ka sa ChatGPT Enterprise o business account, maaaring ma-access at makontrol ng mga administrator ng account na iyon ang iyong OpenAI account, kabilang ang kakayahang ma-access ang iyong Content. Bilang karagdagan, kung gagawa ka ng account gamit ang email address na pagmamay-ari ng iyong employer o ibang organisasyon, maaari naming ibahagi ang impormasyon na mayroon kang account at ilang detalye ng account, tulad ng iyong email address, sa iyong employer o organisasyon para, halimbawa, nagbibigay-daan sa iyong maidagdag sa kanilang business account.
  • Magulang o Tagapag-alaga ng Tinedyer Pwedeng piliin ng mga user na tinedyer at ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga na i-link ang mga account nila, sa gayon magagawa ng magulang o tagapag-alaga na pangasiwaan ang ilang partikular na setting at makakatanggap sila ng mga alerto kapag may natukoy kaming mga seryosong alalahanin sa kaligtasan. Pwedeng i-unlink ang mga account na ito kahit kailan. Dagdagan ang nalalaman(magbubukas sa bagong window) tungkol sa pag-link ng account.
  • Iba Pang mga User at Third Party na Kahalubilo Mo o Binabahaginan ng Impormasyon: Sa ilang partikular na Mga Serbisyo, magagawa mong makihalubilo o magbahagi ng impormasyon sa iba pang mga user o third party. Halimbawa, pwede kang magbahagi ng content na gaya ng mga pag-uusap sa ChatGPT(magbubukas sa bagong window) o mga video (magbubukas sa bagong window) at mga tauhan(magbubukas sa bagong window) ng Sora, o magbahagi ng impormasyon sa mga third-party na paghahanap(magbubukas sa bagong window) at katuwang sa pamimili(magbubukas sa bagong window). Ang impormasyong ibinabahagi mo sa mga katuwang na third-party ay saklaw ng kani-kanilang mga tuntunin at patakaran sa pribasiya at dapat mong tiyakin na nauunawaan mo ang mga tuntunin at patakarang iyon bago ka magbahagi ng impormasyon sa kanila.

Pinagsasama-sama rin namin o dinide-identify ang Personal na Data para hindi ka na ma-identify at ibinabahagi ito sa mga third party para sa mga layuning inilarawan sa itaas, gaya ng pagtulong na ma-improve ang Mga Serbisyo namin.

4. Pagpapanatili

Papanatilihin namin ang Personal na Data mo hangga't kailangan namin para mailaan namin sa iyo ang aming Mga Serbisyo, o para sa iba pang mga lehitimong layunin ng negosyo gaya paglutas sa mga dispute, para sa safety at security, o pagsunod sa aming mga legal na obligasyon. Nakadepende sa uri ng data, kung paano namin ito ginagamit, at sa maraming sitwasyon sa mga setting mo kung gaano katagal naming pinapanatili ang Personal na Data:

  • Impormasyong pinapanatili namin hanggang sa i-delete mo ito: Sa ilang Mga Serbisyo namin, made-delete mo ang Personal na Data na nakaimbak sa account mo. Halimbawa, pwede mong i-delete ang ilang partikular, o lahat, ng pag-uusap mo sa ChatGPT, i-delete ang ilang partikular na Naka-save na Mga Memory(magbubukas sa bagong window), o i-delete ang iyong account. Kapag pinili mong i-delete ang Personal na Data, aalisin namin ito mula sa mga system namin sa loob ng 30 araw maliban kung kailangan naming panatilihin ito nang mas matagal gaya ng inilarawan sa ibaba, o kung hindi na ito nagpapatungkol at nabukod na mula sa iyong account sa tuwing pinahintulutan mo kaming gamitin ang iyong Content para mapahusay ang aming mga modelo(magbubukas sa bagong window)
  • Impormasyong awtomatiko naming dine-delete: Sa ilang kaso, awtomatikong ide-delete ang Personal Data. Halimbawa, ang Mga Pansamantalang Chat(magbubukas sa bagong window) ay awtomatikong idi-delete sa loob ng 30 araw (maliban kung kailangan naming panatilihin ang mga ito para sa kaligtasan o legal na mga kadahilanan, gaya ng inilarawan pa sa ibaba), at ang iyong incognito na pag-browse sa Atlas(magbubukas sa bagong window) ay hindi mase-save pagkatapos mong tapusin ang iyong sesyon.
  • Impormasyong mas matagal naming pinananatili para sa lehitimong security, safety, o legal na mga dahilan: Sa ilang mga kaso, kailangan naming panatilihin ang Personal na Data nang mas matagal kahit pagkatapos mong i-delete ito, halimbawa dahil legal kaming hinihilingan na gawin ito, para maasikaso ang pandaraya at pang-aabuso, para sa security, o para sa mga layunin ng pag-iingat ng mga pinansyal na record. Halimbawa:
    • Kung ang partikular na Content, o ang account mo, ay na-ban dahil sa mga paglabag sa aming mga patakaran sa paggamit, posibleng panatilihin namin ang data na iyon para maprotektahan ang aming mga serbisyo laban sa pandaraya, pang-aabuso, o iba pang paglabag sa aming mga patakaran;
    • Kung legal kaming hinihilingan na panatilihin ang data mo (halimbawa, nakatanggap kami ng legal na subpoena), posibleng panatilihin namin ito ayon sa tagal ng kaugnay ng obligasyon sa batas o regulasyon;
    • Kapag kami ay isang partido sa isang transaksyong pinansyal (halimbawa, kapag pinoproseso namin ang bayad mo para sa ChatGPT Plus o Pro account, o inaasikaso ang isang pagbili sa ChatGPT), posibleng panatilihin namin ang kaugnay na impormasyon hinggil sa pagbabayad at transaksyon para matugunan ang aming mga layunin sa accounting, paglutas ng dispute, at pagsunod sa mga regulasyon;
    • Kapag hiniling mo sa amin na i-delete ang Personal na Data mo, pinananatili namin ang audit record ng request para sa pagbura para ma-verify na sumunod kami sa request.

Para malaman ang mga yugto ng pagpapanatili na ito, isinasaalang-alang namin ang ilang salik, gaya ng:

  • Ang layunin namin sa pagproseso ng Personal na Data (halimbawa, kung kailangan naming panatilihin ito para mailaan ang aming Mga Serbisyo);
  • Ang dami, uri, at pagiging sensitibo ng impormasyon;
  • Ang potensyal na panganib ng pinsala mula sa hindi awtorisadong paggamit o pagsisiwalat;
  • Anumang mga legal na kinakailangan na saklaw sa atin.

5. Mga kontrol ng data

Ang aming Mga Serbisyo ay nagbibigay sa iyo ng ilang kontrol sa Personal na Data mo at kung paano ito ginagamit at pinapanatili. Puwede mong baguhin kahit kailan sa account mo ang mga setting na ito. Kasama rito ang mga sumusunod na kontrol:

  • Madali mong mapipili kung pwedeng gamitin ang iyong Content para mas mapahusay at masanay ang aming mga modelo(magbubukas sa bagong window).
  • Makakapagdesisyon ka kung tatandaan namin ang mga detalye sa pagitan ng mga chat para gawing mas personalized at relevant ang Content.
  • Mai-export mo ang ChatGPT history mo at data sa mga kontrol ng data ng account mo.
  • Made-delete o maa-archive mo ang mga chat sa ChatGPT, o made-delete mo nang buo ang account mo.
  • Kapag pinagana mo ang Pansamantalang Chat(magbubukas sa bagong window) sa ChatGPT, ang mga pag-uusap na iyon sa ChatGPT ay hindi lilitaw sa iyong kasaysayan o magagamit para mapahusay ang mga modelo ng OpenAI.
  • Depende sa naaangkop na batas, maaari kang makapili kung aling mga cookie ang gagamitin kapag ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo, at puwede kang gumawa ng mga desisyon tungkol sa paggamit ng iyong impormasyon para sa layunin ng pagpo-promote ng aming mga produkto at serbisyo sa mga pag-aari ng third-party (alamin pa(magbubukas sa bagong window)).
  • Para sa mga user ng Free at Go, magagamit mo ang mga kontrol sa advertising sa mga setting ng account mo para makontrol kung anong data ang ginagamit namin para i-personalize ang mga ad na ipinapakita namin sa iyo sa aming Mga Serbisyo. 
  • Kung ginagamit mo ang Atlas browser, made-delete mo ang browsing history mo o mapipili mong mag-browse sa web sa incognito mode, na nakakatulong na mapanatiling private sa ibang taong gumagamit ng device mo ang pagba-browse mo.
  • Makakapag-unsubscribe ka mula sa mga komunikasyon sa marketing na natatanggap mo mula sa amin sa pamamagitan ng paggamit sa mga pagpipiliang ibinigay sa mga komunikasyong iyon.

May makikita kang iba pang impormasyon tungkol sa mga kontrol ng data dito(magbubukas sa bagong window) at kung magpupunta ka sa privacy.openai.com(magbubukas sa bagong window).

6. Mga karapatan mo

Depende sa kung saan ka nakatira, puwede kang magkaroon ng ilang karapatang ayon sa batas kaugnay ng iyong Personal na Data. Halimbawa, maaaring may karapatan kang:

  • I-access ang iyong Personal na Data at impormasyon may kaugnayan sa kung paano ito pinoproseso.
  • Itama o i-update ang Personal na Data mo
  • I-delete ang iyong Personal na Data mula sa aming mga rekord.
  • Limitahan kung paano namin pinoproseso ang iyong Personal na Data.
  • Ilipat ang iyong Personal na Data sa third party (karapatan sa paglipat ng data).
  • Bawiin ang pahintulot mo—kung saan nakadepende kami sa pahintulot bilang legal na batayan para sa pagproseso. 
  • Maghain ng reklamo sa iyong lokal na awtoridad sa proteksyon ng data.

Pwede mong gamitin ang ilan sa mga karapatang ito sa pamamagitan ng iyong OpenAI account gamit ang mga tool na inilarawan sa seksyong Mga kontrol sa data , o pwede mong isumite ang iyong kahilingan sa privacy.openai.com(magbubukas sa bagong window) o sa dsar@openai.com. Pwede kang makipag-uganyan sa aming data protection officer sa dpo@openai.com.

Note tungkol sa pagiging tama: Ang Mga Serbisyo gaya ng ChatGPT ay nagge-generate ng mga sagot sa pamamagitan ng pagbabasa sa rkahilingan ng user at, bilang pagsagot, hinuhulaan nito ang mga salitang pinakamalamang na susunod na lilitaw. Sa ilang pagkakataon, ang mga salitang pinakamalamang na susunod na lilitaw ay baka hindi ang pinakatama ayon sa fact. Dahil dito, hindi ka dapat umasa sa output ng mga modelo namin kung tungkol sa pagiging tama ayon sa fact. Kung mapapansin mo na naglalaman ang output ng ChatGPT ng hindi tamang impormasyon tungkol sa iyo at gusto mong humiling ng pagwawasto o pagtanggal ng impormasyon, puwede mong isumite ang mga kahilingang ito sa pamamagitan ng privacy.openai.com(magbubukas sa bagong window) o sa dsar@openai.com, at isasaalang-alang namin ang kahilingan mo batay sa naaangkop na batas at sa teknikal na kakayahan ng mga modelo namin.

Para sa impormasyon kung paano mo magagamit ang iyong mga karapatan kaugnay sa data na nakolekta namin mula sa internet para sanayin ang aming mga modelo, pakitingnan ang artikulong ito sa help center(magbubukas sa bagong window).

Pinoproseso ng OpenAI ang iyong Personal na Data para sa mga layuning inilarawan sa patakarang ito sa mga server na matatagpuan sa iba't ibang hurisdiksyon, kabilang ang pagproseso at pag-iimbak ng iyong Personal na Data sa aming mga pasilidad at server sa United States, o sa mga bansa o teritoryo kung saan matatagpuan ang aming mga affiliate at partner o ang aming mga vendor at service provider. Bagaman magkakaiba ang batas sa data protection sa bawat bansa, ipinapatupad namin ang mga proteksyong inilarawan sa patakarang ito sa Personal na Data mo kahit saan pa ito pinroseso, at inililipat lang ang data na iyon alinsunod sa mga legal at valid na mekanismo para sa paglilipat.

7. Mga Bata

Ang aming Mga Serbisyo ay hindi nakatuon, o nilalayon para sa mga bata na wala pang 13 taong gulang.  Hindi namin sinasadyang mangolekta ng Personal na Data mula sa mga batang wala pang 13 taong gulang. Kung may dahilan ka para maniwalang nagbigay ang isang bata na wala pang 13 taong gulang ng Personal na Data sa OpenAI gamit ang Mga Serbisyo, mag-email sa amin sa privacy@openai.com. Iimbestigahan namin ang anumang abiso at, kung angkop, ide-delete ang Personal na Data mula sa aming mga system. Ang mga user na wala pang 18 ay dapat may pahintulot mula sa kanilang magulang o tagapag-alaga para magamit ang aming Mga Serbisyo. Dagdagan ang nalalaman(magbubukas sa bagong window) tungkol sa kung paano pwedeng piliin ng mga tinedyer at mga magulang o tagapag-alaga na i-link ang kanilang mga account.

8. Security

Nagpapatupad kami ng mga makatwirang teknikal, administratibo, at organisasyonal na hakbang para protektahan ang Personal na Data mula sa pagkawala, maling paggamit, at hindi awtorisadong pag-access, pagsisiwalat, pagbabago, o pagkasira. Gayunpaman, walang Internet o transmisyon ng email na ganap na ligtas o walang pagkakamali. Kaya, dapat mong pag-isipang mabuti kung anong impormasyon ang ibibigay mo sa mga Serbisyo. Bukod dito, hindi kami mananagot para sa pag-iwas sa anumang mga setting ng privacy o mga hakbang sa security na nakapaloob sa Mga Serbisyo, o mga website ng third-party.

9. Karagdagang mga pagsisiwalat ng state ng U.S.

Nangangailangan ang ilang batas sa pribasiya ng estado ng U.S.(magbubukas sa bagong window) ng mga partikular na pagsisiwalat. Nagbibigay ang sumusunod na talahanayan ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga kategorya ng Personal na Data na kinokolekta namin at kung paano namin ito ginagamit at isiniwalat. Pwede kang magbasa pa ng tungkol sa Personal na Data na kinokolekta namin at kung saan namin ito kinokolekta sa “Personal na Data na kinokolekta namin” sa itaas, kung paano namin ginagamit ang Personal na Data sa “Kung paano namin ginagamit ang Personal na Data” sa itaas, kung kailan namin isinisiwalat ang Personal na Data sa “Pagsisiwalat ng Personal na Data” sa itaas at kung paano namin pinapanatili ang Personal na Data sa “Pagpapanatili” sa itaas. Hindi namin pinoproseso ang sensitibong data para sa layunin ng pagpapahiwatig ng mga katangiang tungkol sa iyo.

Kategorya ng Personal na Data

Paggamit ng Personal na Data

Pagbubunyag ng Personal na Data

Kinokolekta namin ang sumusunod na impormasyon, gaya ng inilarawan sa itaas:

  • Mga Identifier, gaya ng pangalan mo, mga contact detail, IP address, at iba pang mga device identifier
  • Komersyal na impormasyon, gaya ng history ng transaksyon mo
  • Impormasyon sa aktibidad ng network, gaya ng kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming Mga Serbisyo, kasama na ang Log Data, Usage Data, at impormasyon tungkol sa device na ginagamit mo para i-access ang Mga Serbisyo
  • Nilalaman, kasama na ang mga prompt mo at nilalaman na ina-upload mo sa Mga Serbisyo at mga pakikipag-ugnayan at mensahe sa iba pang mga user
  • Impormasyon sa Komunikasyon, gaya ng contact information mo kapag nagpapadala ka sa amin ng email
  • Data ng Contact kapag pinili mong ikonekta ang mga contact ng device mo
  • Data ng geolocation, gaya ng pangkalahatang lugar kung saan ina-access ng device mo ang aming Mga Serbisyo batay sa impormasyong gaya ng IP address nito, o impormasyon ng eksaktong lokasyon na pinili mong ibigay
  • Iba Pang Impormasyon ng Account, gaya ng mga kredensyal ng account mo, at impormasyon sa pagbabayad, petsa ng kapanganakan, at larawan sa profile
  • Iba Pang Impormasyon na Ibinibigay Mo, gaya ng kung pinili mong makibahagi sa aming mga event o survey o kapag nagbibigay ka sa amin o sa vendor na nag-o-operate sa ngalan namin ng impormasyon para matukoy ang pagkakakilanlan o edad mo.

Ginagamit namin ang impormasyong ito para sa mga sumusunod na layunin, gaya ng inilarawan sa itaas:

  • Magbigay, magsuri, at panatilihin ng aming Mga Serbisyo
  • Pagbutihin at paunlarin ang aming Mga Serbisyo at magsagawa ng pananaliksik, kabilang ang paggamit ng iyong Content para sanayin ang aming mga modelo (napapailalim sa iyong kontrol)
  • Para i-personalize at i-customize ang karanasan mo sa aming Mga Serbisyo
  • Para sa mga user ng Free at Go, napapailalim sa iyong mga kontrol, para i-personalize ang mga ad na nakikita mo sa aming mga Serbisyo at masukat ang pagiging epektibo ng mga ad na ipinapakita sa aming Mga Serbisyo. Dagdagan ang nalalaman.
  • Makipag-ugnayan sa iyo, kasama na ang pagsagot sa iyong mga tanong, at magpadala sa iyo ng impormasyon tungkol sa aming Mga Serbisyo at mga kaganapan, halimbawa tungkol sa mga pagbabago o pagpapahusay sa Mga Serbisyo o mga alok o impormasyon kung saan ka pwedeng maging interesado
  • Para tukuyin ang iyong mga kontak na gumagamit ng aming Mga Serbisyo kapag pinili mong ikonekta ang iyong mga kontak at i-update ka kapag sumali sila sa aming Mga Serbisyo sa ibang pagkakataon.
  • Pigilan ang ang pandaraya, ilegal na aktibidad, o maling paggamit ng aming Mga Serbisyo, at para maprotektahan ang seguridad ng aming mga system at Mga Serbisyo, kasama na ang pagsubaybay sa anumang Content na isinumite o ipinagpalit sa aming mga platform (dagdagan ang nalalaman dito)
  • Sumunod sa mga legal na obligasyon at maprotektahan ang mga karapatan, pribasiya, kaligtasan, o ari-arian ng aming mga user, OpenAI, o mga third party, halimbawa para maiwasang mapinsala ka o ang iba, at para matantiya ang iyong edad para makapagbigay ng karanasang angkop sa iyong edad

Maaaring naming ibunyag ang impormasyong ito sa mga sumusunod na sitwasyon, gaya ng inilarawan sa itaas:

  • Mga vendor, service provider, at affiliate para matulungan kaming matugunan ang mga pangangailangan sa mga operasyon ng negosyo at magsagawa ng ilang partikular na serbisyo at function na inilarawan sa itaas
  • Mga awtoridad ng gobyerno o iba pang third party para sa mga legal na dahilan na inilarawan sa itaas
  • Mga partidong sangkot sa mga Transaksyon
  • Mga administrator ng business account para sa mga dahilan na inilarawan sa itaas
  • Mga magulang o guardian ng mga kabataang user para sa mga layunin ng pag-link ng account na inilarawan sa itaas
  • Iba pang mga user at third party na nakikipag-interact ka o nagbabahagi ka ng impormasyon

Ang Iyong mga Karapatan sa Pag-opt-out. Hindi namin “binebenta” ang Personal na Data. Depende sa iyong mga pinili, maaari kaming magbahagi ng limitadong data sa mga piling katuwang sa marketing para sa layunin ng pagpo-promote ng aming mga produkto at serbisyo sa mga pag-aari ng third party. 

Kilala ito bilang “naka-target na advertising” o pagbabahagi para sa “cross-contextual na advertising na batay sa pagkilos” sa ilalim ng ilang batas sa pribasiya ng estado. Maaari kang mag-opt out gamit ang kontrol sa pribasiya ng marketing sa mga setting ng account mo. Kung hindi ka naka-log in, maaari kang mag-opt out sa Settings > Data Controls sa ChatGPT o gamit ang link na 'Iyong Mga Opsyon sa Pribasiya' sa aming website. Maaari ka ring mag-opt out gamit ang mekanismo ng pag-opt out na kinikilala ng batas, gaya ng Pandaigidigang Kontrol sa Pribasiya. Pwede mong dagdagan ang iyong nalalaman tungkol sa mga uri ng data na ginagamit at ibinabahagi namin para sa mga layuning ito at sa mga kontrol na iniaalok namin sa iyo dito(magbubukas sa bagong window). Hindi kami nakikibahagi sa mga aktibidad na ito para sa mga user na alam naming wala pang 18 taong gulang.

Ang Iba Mo Pang Mga Karapatan. Depende sa kung saan ka nakatira at sa mga naaangkop na eksepsyon, pwede kang magkaroon ng mga sumusunod na karapatan sa pribasiya kaugnay ng iyong Personal na Data:

  • Ang karapatan mong malaman ang impormasyon tungkol sa aming pagproseso ng iyong Personal na Data, kabilang ang karapatan mong i-access ang iyong Personal na Data, madalas sa isang portable na format;
  • Ang karapatan na humiling ng pag-delete ng iyong Personal na Data;
  • Ang karapatan na itama ang iyong Personal na Data; at

Ang karapatan na maging malaya mula sa pagganti na may kaugnayan sa paggamit mo ng alinman sa mga iyong mga karapatan sa pribasiya. Muling basahin ang aming pag-uulat ng mga karapatan sa pribasiya sa California dito.

Beripikasyon. Para maprotektahan ang iyong Personal na Data mula sa hindi awtorisadong pag-access, pagbabago, o pag-delete, maaaring kailanganin naming beripikahin ang iyong mga kredensyal bago ka makapagsumite ng kahilingan para malaman, itama, o i-delete ang Personal na Data. Kung wala kang account sa amin, o kung pinaghihinalaan namin ang mapanlinlang o malisyosong aktibidad, maaari naming hilingin sa iyo na magbigay ng karagdagang Personal na Data para sa beripikasyon. Kung hindi namin maberipika ang iyong pagkakakilanlan, hindi namin magagawang tuparin ang iyong kahilingan.

Mga Awtorisadong Agent. Depende kung saan ka nakatira, pwede ka ring magsumite ng kahilingan para sa mga karapatan sa pamamagitan ng awtorisadong agent. Kung gagawin mo ito, dapat magpakita ang agent ng awtoridad para makaganap bilang kinatawan mo, gaya ng pahintulot na may lagda, maaari ding hiwalay na ipaberipika sa iyo ang iyong pagkakakilanlan sa amin. Pwedeng isumite ng awtorisadong agent ang mga kahilingan sa dsar@openai.com.

Mga Apela. Depende kung saan ka nakatira, baka may karapatan kang iapela ang desisyong ginawa namin na may kinalaman sa mga kahilingan na gamitin ang iyong mga karapatan. Para iapela ang desisyon, pakipadala ang iyong kahilingan sa dsar@openai.com.

10. Mga pagbabago sa patakaran sa privacy

Posibleng i-update namin paminsan-minsan ang patakarang ito. Kapag ginawa namin iyon, ilalathala namin sa page na ito ang isang na-update na bersyon at petsa ng pagpapatupad, malibang ibang uri ng abiso ang hilingin ng naaangkop na batas.

11. Controller ng data

Kung nakatira ka sa European Economic Area (EEA) o Switzerland, ang OpenAI Ireland Limited, na may rehistradong tanggapan sa 1st Floor, The Liffey Trust Centre, 117-126 Sheriff Street Upper, Dublin 1, D01 YC43, Ireland, ang controller at responsable sa pagproseso ng Personal na Data mo gaya ng inilarawan sa patakarang ito.

Kung nakatira ka sa ibang lugar maliban sa nabanggit, ang OpenAI OpCo, LLC, na may rehistradong tanggapan sa 1455 Third Street, San Francisco, California 94158, United States, ang controller at responsable sa pagproseso ng Personal na Data mo gaya ng inilarawan sa patakarang ito. 

12. Kung paano kami makokontak

Makipag-ugnayan sa suporta(magbubukas sa bagong window) kung mayroon kang anumang mga katanungan o alalahanin na hindi pa natutugunan sa patakarang ito. 

13. Mga kapaki-pakinabang na resource