Paano lumawak ang paggamit ng ChatGPT
Isang bagong picture ng global AI adoption.
Patuloy na lumalawak at lumalalim ang paggamit ng ChatGPT sa buong mundo. Ipinapakita ng bagong data ng OpenAI Signals na ginagamit ng mga tao ang ChatGPT nang mas madalas, at para sa mas malawak na hanay ng mga gawain sa paglipas ng panahon, habang nagiging mas pandaigdigan at mas magkakaiba-iba ang base ng mga user nito.
Gamit ang pinagsama-samang data, sinusukat ng OpenAI Signals kung paano nakikipag-interact ang mga tao sa mga indibidwal na plano ng ChatGPT (kasama na rito ang mga planong Free, Go, Plus, at Pro) sa paglipas ng panahon. Ipinapakita ng pagsusuring ito kung paano nagbabago ang paggamit ng mga indibidwal sa AI habang mas dumarami ang gumagamit ng ChatGPT sa buong mundo.
Itinatampok ng mga biswalisasyon sa ibaba ang ilang pangunahing trend sa pandaigdigang pag-a-adopt ng AI: kung paano lumalim ang paggamit ng ChatGPT simula nang ilunsad, ang mga paraan kung paano isinasama ng mga tao ang ChatGPT sa kanilang mga gawain, at kung paano ito nag-iiba sa iba't ibang wika at rehiyon. Sa kabuuan, mas malinaw na naipapakita ng mga natuklasan na ito kung paano isinasama ng mga tao sa buong mundo ang ChatGPT sa trabaho, pag-aaral, at araw-araw na buhay nila—sa madaling salita, kung paano nakakatulong ang AI sa malaking bahagi ng sangkatauhan.
Habang mas matagal na ginagamit ng mga indibidwal ang ChatGPT, mas dumarami ang ipinapadala nilang message araw-araw at mas marami silang sinusubukang mga bagong capability. Sa paglipas ng panahon, mas maraming ginagawa ang mga user at mas madalas sa ChatGPT nila ginagawa ang mga iyon. Anim na buwan matapos mag-sign up, 50% na mas maraming message per day ang ipinapadala ng mga user kumpara noong nag-sign up sila. Dinoble rin nila ang bilang ng mga naiibang gawain na sinubukan nila sa ChatGPT.
Batay ang data sa 0.1% na sample ng mga user na gumawa ng kanilang account sa pagitan ng Oktubre 15, 2025 at Mayo 1, 2026, at kasama rito ang impormasyon tungkol sa kanilang aktibidad hanggang Mayo 31, 2026. Sinusukat ng depth ang bilang ng mga message na ipinadala ng user sa nakaraang 28 araw kumpara sa bilang ng ipinadala nila noong 28 araw matapos magawa ang account nila. Sinusukat ng breadth ang bilang ng mga capability na ginamit ng user, kumpara sa bilang ng ginamit nila noong 28 raw matapos magawa ang account nila. Sinusukat ang mga capability gamit ang classifier, na kina-categorize ang mga message sa 53 category. Hindi kasama ang mga pinagbawal na user, mga user na wala pang 18 taong gulang, at mga user na hindi nagpadala ng kahit anong mensahe sa loob ng 28 araw matapos magawa ang kanilang account.
Mabilis na lumago ang ChatGPT adoption sa bawat kontinente mula noong Hulyo 2023. Kumpara sa ibang rehiyon, sa Africa at Asia nakita ang pinakamabilis na paglago.
Ipinapakita ng bawat serye ang pagbabago sa bilang ng mga aktibong user ng ChatGPT linggo-linggo sa bawat rehiyon kumpara sa baseline rate para sa rehiyon na iyon noong Hulyo 2023. Itinuturing na aktibo ang mga user kung nakapagpadala sila ng mensahe sa loob ng pitong araw bago magsimula ang bawat buwan. Hindi kasama ang mga bansa kung saan hindi pinapatakbo ang ChatGPT, gayundin ang mga user na wala pang 18 taong gulang.
Ganito rin ang nakikitang pattern sa iba't ibang grupo ng mga bansa batay sa antas ng kanilang Human Development Index (HDI): ang mga bansang may mas mababang HDI ang nakapagtala ng pinakamabilis na paglago sa dami ng lingguhang aktibong user mula noong Hulyo 2023. Patuloy na nagbibigay ang OpenAI ng mababang-presyong access sa ChatGPT sa pamamagitan ng aming mga planong Free at Go.
Ipinapakita ng bawat serye ang pagbabago sa bilang ng mga aktibong user ng ChatGPT linggo-linggo ayon sa kategorya ng 2023 Human Development Index, kumpara sa panimulang antas ng paggamit sa bawat kategorya noong Hulyo 2023. Itinuturing na aktibo ang mga user kung nakapagpadala sila ng mensahe sa loob ng pitong araw bago magsimula ang bawat buwan. Hindi kasama ang mga bansa kung saan hindi pinapatakbo ang ChatGPT, gayundin ang mga user na wala pang 18 taong gulang.
Tumaas ang paggamit ng mga taong may tipikal na pambabaeng pangalan, at sila ang may pinakamaraming paggamit sa buong mundo. Kasama ang Brazil, Colombia, Poland, at Namibia sa mga bansa kung saan higit na mas marami ang mga mensahe na ipinadala ng mga user na may karaniwang pambabaeng pangalan kaysa sa mga user na may karaniwang panlalaking pangalan. Sa kabaligtaran, ang Pakistan, Bangladesh, Angola, ang Democratic Republic of Congo, at Mali ang may pinakaraming paggamit ng mga user na may tipikal na panlalaking pangalan. Sa kabuuan, ipinapakita ng data na ito ang aming pinakamahusay na pagtatantiya kung gaano karaming tao na may karaniwang pambabae o panlalaking mga pangalan ang gumagamit ng ChatGPT, dahil hindi kami nangongolekta ng impormasyon tungkol sa kasarian ng mga user.1
Nakabatay sa mga name-to-gender crosswalk ang data, at ipinakikita nito ang mga user na active noong pitong araw bago magsimula ang buwan. Hindi kasama sa analysis ang mga user na hindi tipikal na panlalaki o tipikal na pambabae ang mga pangalan. Inaalis ang mga bansa kapag hindi ma-classify ang kahit kalahati ng mga pangalan ng mga active na user. Hindi kasama ang mga user na wala pang 18 taong gulang.
Kasabay ng paglawak ng paggamit ng ChatGPT sa buong mundo, dumami rin ang paggamit nito sa mga wikang hindi English. Halos kalahati na ngayon ng mga aktibong user ang mga user na gumagamit ng wika na hindi English. Spanish, Portuguese, at Arabic ang mga nangungunang wika na hindi English sa ChatGPT.
Ina-assign ang wika gamit ang pinaka-recent na available na language classification profile ng bawat user. Kasama sa buwanang bahagi ang mga user na aktibo sa loob ng pitong araw bago ang unang araw ng bawat buwan at higit sa 18 taong gulang.
Ang Uzbek, Kazakh, at Burmese ang mga wikang may pinakamalaking percentage increase sa bilang ng mga active user nila mula noong Hulyo 2023.
Limitado ito sa mga wikang may hindi bababa sa 1 milyong aktibong user noong Hunyo 2026. Ang bawat serye ay iniindeks ayon sa bahagi nito noong Hulyo 2023. Kinakalkula ang mga bahagi ng paggamit batay sa mga user na aktibo sa loob ng pitong araw bago ang unang araw ng bawat buwan at higit sa labing-walong taong gulang. Nade-determine ang pangunahing wika ng bawat user gamit ang wikang ginamit nila sa karamihan ng message nila.
Ang OpenAI Signals ay isang patuloy na pagsisikap para matiyak na madaling ma-access ng mga mananaliksik at mga gumagawa ng patakaran ang pinakamahusay na data para maunawaan kung paano naaapektuhan at maaapektuhan ng AI ang ekonomiya.
May-akda
Footnotes
- 1
This analysis excludes messages from names that are not typically masculine or typically feminine. For more about the methodology we used to determine this please read our full methodology.


