Patakaran sa Privacy
Para sa mga indibidwal sa labas ng European Economic Area, United Kingdom, at Switzerland, puwede ninyong basahin ang bersyon na ito ng aming Patakaran sa Privacy.
Sa OpenAI, ang misyon namin ay tiyaking makikinabang sa artificial general intelligence ang lahat. Gumagawa kami ng mga tool na gaya ng ChatGPT at Sora para matulungan ang mga tao na matuto, lumikha, at lumutas ng mga problema. Kami sa OpenAI (kasama ng mga affiliate namin, “OpenAI”, “kami”, “amin” o “namin”) ay determinadong igalang ang privacy mo at pursigidong mapanatiling ligtas ang kahit anong impormasyon na nakukuha namin mula sa iyo o tungkol sa iyo. Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy na ito ang mga practice namin may kaugnayan sa personal na data na kinokolekta namin mula o tungkol sa iyo, at kung paano namin ito ginagamit kapag ginagamit mo ang website namin, mga application, at serbisyo (sama-samang tinutukoy bilang “Mga Serbisyo”).
Hindi saklaw ng Patakaran sa Privacy na ito ang content na pinoproseso namin para sa mga customer ng mga business offering namin, gaya ng API namin. Ang paggamit namin ng data na iyon ay sakop ng mga kasunduan namin sa customer na sumasaklaw ss pag-access at paggamit ng mga offering na iyon.
Para sa impormasyon tungkol sa kung paano namin kinokolekta at ginagamit ang impormasyon sa pagsasanay para bumuo ng aming mga modelo ng wika na nagpapagana sa ChatGPT at iba pang Mga Serbisyo, at ang iyong mga pagpipilian kaugnay ng impormasyong iyon, pakitingnan ang patakarang ito pati na rin ang artikulo sa help center na ito(magbubukas sa bagong window).
1. Personal na Data na kinokolekta namin
Kinokolekta namin ang personal na data na may kaugnayan sa iyo (“Personal na Data”) tulad ng sumusunod:
Personal na Data na Ibinibigay Mo: Kinokolekta namin ang Personal na Data kung gumawa ka ng account para gamitin ang aming mga Serbisyo o makipag-ugnayan sa amin sa mga sumusunod na paraan:
- Impormasyon ng Account: Kapag gumawa ka ng account sa amin, kokolektahin namin ang impormasyong nauugnay sa account mo, kasama na ang pangalan mo, contact information, mga kredensyal ng account, petsa ng kapanganakan, impormasyon ng card sa pagbabayad, at history ng transaksyon, (sama-samang tinutukoy bilang “Impormasyon ng Account”). Sa ilang Mga Serbisyo namin, makakapag-upload ka ng larawan sa profile, username, o iba pang impormasyon bilang bahagi ng Impormasyon ng Account mo.
- Content ng User: Kinokolekta namin ang Personal na Data na ibinibigay mo sa input sa aming Mga Serbisyo (“Content”), kabilang ang mga prompt mo at iba pang content na ini-upload mo, tulad ng mga file(magbubukas sa bagong window), larawan(magbubukas sa bagong window), audio at video(magbubukas sa bagong window), character ng Sora(magbubukas sa bagong window), at data mula sa mga nakakonektang serbisyo(magbubukas sa bagong window), depende sa mga feature na ginagamit mo. Sa ilang Mga Serbisyo namin, magagawa mong mag-interact sa iba pang mga user, halimbawa, mag-post, mag-comment, o magpadala ng mga message, at itinuturing din namin na Content ang mga interaksyon na iyon.
- Impormasyon sa Komunikasyon: Kung makikipag-ugnayan ka sa amin, halimbawa sa pamamagitan ng email o sa aming mga page sa mga site ng social media, maaari kaming mangolekta ng Personal na Data tulad ng iyong pangalan, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, at ang nilalaman ng mga mensaheng ipinapadala mo (“Impormasyon sa Komunikasyon”).
- Data ng Contact: Kapag pinili mong ikonekta ang mga contact ng device mo, inia-upload namin ang impormasyon mula sa mga address book ng device mo at sinusuri kung alin sa mga contact mo ang gumagamit din ng aming Mga Serbisyo. Kung may alinman sa mga contact mo na hindi pa gumagamit ng aming Mga Serbisyo, ia-update ka namin kapag nag-sign up sila para sa aming Mga Serbisyo sa ibang pagkakataon. Dagdagan ang nalalaman(magbubukas sa bagong window) tungkol sa pagkonekta ng iyong mga contact at kung paano namin ginagamit ang na-upload na impormasyon ng kontak(magbubukas sa bagong window) ng mga taong hindi gumagamit ng aming Mga Serbisyo.
- Iba Pang Impormasyon na Ibinibigay Mo: Kinokolekta namin ang iba pang impormasyon na ibinibigay mo sa amin, gaya ng kapag nakibahagi ka sa aming mga event o survey, o kapag nagbibigay ka sa amin o sa isang vendor na nag-o-operate sa ngalan namin ng impormasyon para matukoy ang pagkakakilanlan o edad mo (sama-samang tinutukoy bilang, “Iba Pang Impormasyon na Ibinibigay Mo”).
Personal na Data na Natatanggap Namin mula sa Paggamit Mo ng Mga Serbisyo: Kapag bumibisita ka, gumamit, o nakipag-interact sa Mga Serbisyo namin, natatanggap namin ang sumusunod na impormasyon tungkol sa pagbisita, paggamit, o interaskyon mo:
- Log Data: Kinokolekta namin ang impormasyon na awtomatikong ipinapadala ng iyong browser o device kapag ginagamit mo ang aming mga Serbisyo. Kasama sa log data ang iyong Internet Protocol address, uri at mga setting ng browser, ang petsa at oras ng iyong kahilingan, at kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming mga Serbisyo.
- Data ng Paggamit: Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa paggamit mo at activity sa lahat ng Mga Serbisyo, gaya ng mga uri ng content na tinitingnan mo o may pakikipag-ugnayan ka, ang mga feature na ginagamit mo at ang mga aksyon na ginagawa mo, kapag nag-submit ka ng feedback sa sagot ng model, ang mga taong ka-interact mo, pati na rin ang time zone mo, bansa, mga petsa at oras ng pag-access, user agent at bersyon, uri ng computer o mobile device, at ang koneksyon ng computer mo. Kung Atlas browser ang ginagamit mo, posibleng kolektahin din namin ang data ng browser mo alinsunod sa mga kontrol mo(magbubukas sa bagong window) at paggamit ng serbisyo.
- Data ng mga patalastas: Para sa mga gumagamit ng Free at Go, alinsunod sa inyong mga pagpipilian at kontrol, nangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa iyong kasaysayan at mga interes sa mga ad, tulad ng mga uri ng nilalaman ng ad na iyong tinitingnan o kinahihiligan.
- Impormasyon ng Device: Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa device na ginagamit mo para ma-access ang Mga Serbisyo, gaya ng pangalan ng device, operating system, mga device identifier, at browser na ginagamit mo. Ang nakolektang impormasyon ay depende sa uri ng device na ginagamit mo at sa mga setting nito.
- Impormasyon sa Lokasyon: Tinutukoy namin ang pangkalahatang lugar kung saan ina-access ng device mo ang aming Mga Serbisyo batay sa impormasyong gaya ng IP address nito para sa security at para mas mapaganda ang karanasan mo sa produkto, halimbawa, para maprotektahan ang account mo sa pamamagitan ng pag-detect sa di-pangkaraniwang pag-login o para magbigay ng mas tamang mga sagot. Bukod dito, sa ilang Mga Serbisyo namin, mapipili mong magbigay ng mas eksaktong impormasyon ng lokasyon mula sa device mo, gaya ng impormasyon ng lokasyon mula sa GPS ng device mo.
- Cookies at Mga Katulad na Teknolohiya: Gumagamit kami ng cookies at mga katulad na teknolohiya para mag-operate at mag-administer ng Mga Serbisyo namin, at ma-improve ang karanasan mo. Ini-store namin ang ilan sa mga impormasyong inilarawan sa Patakarang ito gamit ang cookies, halimbawa para makatulong na mapanatili ang mga preference mo sa iba't ibang session kung hindi ka naka-log in, o para makatulong sa authentication at support para sa customer. Para sa mga detalye tungkol sa paggamit namin ng cookies, basahin ang aming Abiso sa Cookie.
Impormasyong Natatanggap Namin mula sa Ibang Pang mga Source: May mga impormasyon kaming natatanggap mula sa iba pang mga source, gaya ng mga pinagkakatiwalaan namin mga partner sa security at safety para protektahan ang safety at maiwasan ang pandaraya, pang-aabuso, at iba pang banta sa aming Mga Serbisyo, at mula sa mga vendor ng marketing na nagbibigay sa amin ng impormasyon tungkol sa mga potensyal na customer ng aming mga serbisyo sa negosyo.
Maaaring makatanggap kami ng impormasyon mula sa mga advertiser at iba pang mga partner sa data, na ginagamit namin para sa mga layuning kabilang ang pagtulong sa amin na masukat at magpakita ng mas may-kaugnayang mga ad sa mga user ng Free at Go sa aming Mga Serbisyo. Halimbawa, puwede kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga pagbiling ginagawa mo mula sa mga advertiser na ito.
Nangongolekta rin kami ng impormasyon mula sa iba pang mga source, gaya ng impormasyong available sa publiko sa internet, para i-develop ang mga model na nagpapagana sa aming Mga Serbisyo. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga source ng impormasyong ginamit para i-develop ang mga modelong nagpapagana sa ChatGPT at iba pang mga Serbisyo, tingnan ang artikulong ito ng Help Center(magbubukas sa bagong window).
2. Paano namin ginagamit ang Personal na Data
Ginagamit namin ang Personal na Data para sa mga sumusunod na layunin:
- Para magbigay, magsuri, at mapanatili ang aming mga Serbisyo, halimbawa para tumugon sa mga tanong ninyo para sa ChatGPT;
- Para ma-improve at ma-develop ang Mga Serbisyo namin at magsagawa ng research, halimbawa, para mag-develop ng mga bagong feature;
- Para i-personalize at i-customize ang karanasan mo sa aming Mga Serbisyo, halimbawa para magbigay sa iyo ng mas relevant na Content;
- Para sa mga user ng Free at Go, para i-personalize ang mga ad na nakikita mo sa aming mga serbisyo (depende sa iyong mga pagpipilian at kontrol), at para masukat ang pagiging epektibo ng mga ad na ipinapakita sa aming mga serbisyo. Alamin pa(magbubukas sa bagong window) ang tungkol sa mga ad sa aming mga serbisyo;
- Para makipag-communicate sa iyo, kasama na ang pagsagot sa mga tanong mo, at magpadala sa iyo ng impormasyon tungkol sa aming Mga Serbisyo at mga event, halimbawa tungkol sa mga pagbabago o pagpapahusay sa Mga Serbisyo;
- Tukuyin ang mga contact mo na gumagamit ng aming mga Serbisyo kapag pinili mong ikonekta ang mga contact mo at i-update ka kapag sumali sila sa aming Mga Serbisyo sa ibang pagkakataon;
- Para maiwasan ang pandaraya, ilegal na aktibidad, o maling paggamit ng aming Mga Serbisyo, at para maprotektahan ang seguridad ng aming mga system at Mga Serbisyo, kasama na ang pagsubaybay sa anumang Content na isinumite o ipinagpalit sa aming mga platform (dagdagan ang nalalaman dito); at
- Para makasunod sa mga legal na obligasyon at maprotektahan ang mga karapatan, privacy, safety, o ari-arian ng aming mga user, ng OpenAI, o mga third party, halimbawa para maiwasang mapinsala ka o ang iba, o para matantya ang edad mo at makapagbigay ng karanasang angkop sa edad mo.
Pinagsasama-sama rin namin o dinide-identify ang Personal na Data para hindi ka na ma-identify at magamit ang impormasyong ito para sa mga layuning inilarawan sa itaas, gaya ng pag-analisa sa paraan ng paggamit ng aming Mga Serbisyo, para ma-improve at magdagdag ng mga feature sa mga ito, at para magsagawa ng research. Papanatilihin at gagamitin namin ang nakade-identify na impormasyon sa anyong nakade-identify at hindi susubukang i-reidentify ang impormasyon, malibang hiniling iyon ng batas.
Tulad ng nabanggit sa itaas, posibleng gamitin namin ang Content na ibinibigay mo sa amin para ma-improve ang aming Mga Serbisyo, halimbawa para i-train ang mga modelo na nagpapagana sa ChatGPT. Basahin ang aming mga tagubilin(magbubukas sa bagong window) kung paano kayo makakapag-opt out sa paggamit namin ng iyong Content para sanayin ang aming mga modelo.
3. Pagbubunyag ng Personal na Data
Isinisiwalat namin ang Personal na Data mo sa mga sumusunod na kalagayan:
- Mga Vendor at Service Provider: Para matulungan kaming matugunan ang mga pangangailangan sa mga operasyon ng negosyo at magsagawa ng ilang partikular na serbisyo at function, isinisiwalat namin ang Personal na Data sa mga vendor at service provider, kasama na ang mga provider ng mga hosting service, vendor ng customer service, cloud service, content delivery service, support at safety service, email communication software, web analytics service, payment at transaction processor, search at shopping provider, at information technology provider. Nakikipagtulungan din kami sa mga service provider na tumutulong sa amin sa pagve-verify ng edad at pagkakakilanlan, at pwede mong alamin pa dito(magbubukas sa bagong window). Alinsunod sa mga instruksyon namin, ia-access lang, ipoproseso, at ii-store ng mga party na ito ang Personal na Data habang isinasagawa nila ang mga tungkulin sa amin.
- Mga Paglilipat ng Business: Kung kami ay kasangkot sa mga estratehikong transaksyon, reorganisasyon, pagkalugi, receivership, o paglipat ng serbisyo sa ibang provider (sama-samang tinutukoy bilang isang “Transaksyon”), ang iyong Personal na Data ay maaaring isiwalat sa proseso ng pagsisiyasat sa mga kasangga at iba pang tumutulong sa Transaksyon at mailipat sa kahalili o kaanib bilang bahagi ng Transaksyon kasama ng iba pang mga asset.
- Mga Awtoridad ng Gobyerno o Iba Pang Third Party: Maaari naming ibahagi ang iyong Personal na Data, kabilang ang impormasyon tungkol sa iyong pakikipag-ugnayan sa aming mga Serbisyo, sa mga awtoridad ng gobyerno, mga kasamahan sa industriya, o iba pang third party alinsunod sa batas (i) kung kinakailangan para sumunod sa legal na obligasyon, o sa mabuting paniniwala na ang naturang aksyon ay kinakailangan para sumunod sa legal na obligasyon, (ii) para protektahan at ipagtanggol ang aming mga karapatan o ari-arian, (iii) kung aming matukoy, sa aming sariling pagpapasya, na may paglabag sa aming mga tuntunin, patakaran, o sa batas; (iv) para matukoy o maiwasan ang pandaraya o iba pang ilegal na aktibidad; (v) para protektahan ang kaligtasan, seguridad, at integridad ng aming mga produkto, empleyado, user, o publiko, o (vi) para protektahan laban sa legal na pananagutan.
- Mga Affiliate: Isinisiwalat namin ang Personal na Data sa aming mga affiliate, ibig sabihin, isang entity na kumokontrol, kinokontrol ng, o nasa ilalim ng karaniwang kontrol ng OpenAI. Maaaring gamitin ng mga affiliate namin ang Personal na Data na ito sa paraang naaayon sa patakarang ito.
- Mga Administrator ng Business Account: Kapag sumali ka sa ChatGPT Enterprise o business account, maaaring ma-access at makontrol ng mga administrator ng account na iyon ang iyong OpenAI account, kabilang ang kakayahang ma-access ang iyong Content. Bilang karagdagan, kung gagawa ka ng account gamit ang email address na pagmamay-ari ng iyong employer o ibang organisasyon, maaari naming ibahagi ang impormasyon na mayroon kang account at ilang detalye ng account, tulad ng iyong email address, sa iyong employer o organisasyon para, halimbawa, nagbibigay-daan sa iyong maidagdag sa kanilang business account.
- Magulang o Guardian ng Kabataan: Puwedeng piliin ng mga kabataang user at ng mga magulang o guardian nila na i-link ang mga account nila, sa gayon magagawa ng magulang o guardian na pangasiwaan ang ilang partikular na setting at makakatanggap sila ng mga alert kapag may na-detect kaming mga seryosong alalahanin sa safety. Puwedeng i-unlink ang mga account na ito anumang oras. Alamin pa(magbubukas sa bagong window) ang tungkol sa pag-link ng mga account.
- Iba Pang mga User at Third Party na Iyong Nakakaugnayan o Nagbabahagi Ka ng Impormasyon: Sa ilang partikular na Mga Serbisyo, magagawa mong makipag-interact o magbahagi ng impormasyon sa iba pang mga user o third party. Halimbawa, puwede kang magbahagi ng content tulad ng mga pag-uusap sa ChatGPT(magbubukas sa bagong window) o mga video(magbubukas sa bagong window) at mga tauhan(magbubukas sa bagong window) ng Sora, o magbahagi ng impormasyon sa mga third-party na search(magbubukas sa bagong window) at shopping(magbubukas sa bagong window) partner. Ang impormasyong ibinabahagi mo sa mga third-party partner ay saklaw ng kani-kanilang mga tuntunin at patakaran sa privacy, at dapat mong tiyakin na nauunawaan mo ang mga tuntunin at patakarang iyon bago ka magbahagi ng impormasyon sa kanila.
Pinagsasama-sama rin namin o dinide-identify ang Personal na Data para hindi ka na ma-identify at ibinabahagi ito sa mga third party para sa mga layuning inilarawan sa itaas, gaya ng pagtulong na ma-improve ang Mga Serbisyo namin.
4. Pagpapanatili
Papanatilihin namin ang Personal na Data mo hangga't kailangan namin para mailaan namin sa iyo ang aming Mga Serbisyo, o para sa iba pang mga lehitimong layunin ng negosyo gaya paglutas sa mga dispute, para sa safety at security, o pagsunod sa aming mga legal na obligasyon. Nakadepende sa uri ng data, kung paano namin ito ginagamit, at sa maraming sitwasyon sa mga setting mo kung gaano katagal naming pinapanatili ang Personal na Data:
- Impormasyong pinapanatili namin hanggang sa i-delete mo ito: Sa ilang Mga Serbisyo namin, made-delete mo ang Personal na Data na naka-store sa account mo. Halimbawa, puwede mong i-delete ang ilang partikular, o lahat, ng mga pag-uusap mo sa ChatGPT, i-delete ang ilang partikular na Naka-save na mga Memory(magbubukas sa bagong window), o i-delete ang iyong account. Kapag pinili mong i-delete ang Personal na Data, aalisin namin ito mula sa mga system namin sa loob ng 30 araw, maliban kung kailangan naming panatilihin ito nang mas matagal gaya ng inilarawan sa ibaba, o kung nade-identify na ito at na-disassociate mula sa iyong account nang pinahintulutan mo kaming gamitin ang iyong Content para ma-improve ang mga modelo namin(magbubukas sa bagong window).
- Impormasyong awtomatikong dini-delete namin: Sa ilang kaso, awtomatikong ide-delete ang Personal Data. Halimbawa, ang Mga Pansamantalang Chat(magbubukas sa bagong window) ay awtomatikong buburahin sa loob ng 30 araw (maliban kung kailangan naming panatilihin ang mga ito para sa kaligtasan o legal na mga dahilan, gaya ng inilarawan pa sa ibaba), at ang incognito na history ng pagba-browse mo sa Atlas(magbubukas sa bagong window) ay hindi mase-save pagkatapos mong tapusin ang iyong session.
- Impormasyong mas matagal naming pinananatili para sa lehitimong security, safety, o legal na mga dahilan: Sa ilang mga kaso, kailangan naming panatilihin ang Personal na Data nang mas matagal kahit pagkatapos mong i-delete ito, halimbawa dahil legal kaming hinihilingan na gawin ito, para maasikaso ang pandaraya at pang-aabuso, para sa security, o para sa mga layunin ng pag-iingat ng mga pinansyal na record. Halimbawa:
- Kung ang partikular na Content, o ang account mo, ay na-ban dahil sa mga paglabag sa aming mga patakaran sa paggamit, posibleng panatilihin namin ang data na iyon para maprotektahan ang aming mga serbisyo laban sa pandaraya, pang-aabuso, o iba pang paglabag sa aming mga patakaran;
- Kung legal kaming hinihilingan na panatilihin ang data mo (halimbawa, nakatanggap kami ng legal na subpoena), posibleng panatilihin namin ito ayon sa tagal ng kaugnay ng obligasyon sa batas o regulasyon;
- Kapag kami ay isang partido sa isang transaksyong pinansyal (halimbawa, kapag pinoproseso namin ang bayad mo para sa ChatGPT Plus o Pro account, o inaasikaso ang isang pagbili sa ChatGPT), posibleng panatilihin namin ang kaugnay na impormasyon hinggil sa pagbabayad at transaksyon para matugunan ang aming mga layunin sa accounting, paglutas ng dispute, at pagsunod sa mga regulasyon;
- Kapag hiniling mo sa amin na i-delete ang Personal na Data mo, pinananatili namin ang audit record ng request para sa pagbura para ma-verify na sumunod kami sa request.
Para malaman ang mga yugto ng pagpapanatili na ito, isinasaalang-alang namin ang ilang salik, gaya ng:
- Ang layunin namin sa pagproseso ng Personal na Data (halimbawa, kung kailangan naming panatilihin ito para mailaan ang aming Mga Serbisyo);
- Ang dami, uri, at pagiging sensitibo ng impormasyon;
- Ang potensyal na panganib ng pinsala mula sa hindi awtorisadong paggamit o pagsisiwalat;
- Anumang mga legal na kinakailangan na saklaw sa atin.
5. Mga kontrol ng data
Ang aming Mga Serbisyo ay nagbibigay sa iyo ng ilang kontrol sa Personal na Data mo at kung paano ito ginagamit at pinapanatili. Puwede mong baguhin kahit kailan sa account mo ang mga setting na ito. Kasama rito ang mga sumusunod na kontrol:
- Madali mong mapipili kung magagamit ang iyong Content para pagbutihin at sanayin ang aming mga modelo(magbubukas sa bagong window).
- Makakapagdesisyon ka kung tatandaan namin ang mga detalye sa pagitan ng mga chat para gawing mas personalized at relevant ang Content.
- Mai-export mo ang ChatGPT history mo at data sa mga kontrol ng data ng account mo.
- Made-delete o maa-archive mo ang mga chat sa ChatGPT, o made-delete mo nang buo ang account mo.
- Kapag ini-enable mo ang Pansamantalang Chat(magbubukas sa bagong window) sa ChatGPT, ang mga pag-uusap na iyon sa ChatGPT ay hindi lilitaw sa iyong history o magagamit para mapahusay ang mga modelo ng OpenAI.
- Depende sa naaangkop na batas, puwede kang makapili kung aling mga cookie ang gagamitin kapag ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo, at puwede kang gumawa ng mga desisyon tungkol sa paggamit ng iyong impormasyon para sa layunin ng pagpo-promote ng aming mga produkto at serbisyo sa mga pag-aari ng third-party (alamin pa(magbubukas sa bagong window)).
- Magagamit ng mga user ng Free at Go ang mga kontrol sa advertising sa mga setting ng account mo para makontrol kung anong data ang ginagamit namin para i-personalize ang mga ad na ipinapakita namin sa iyo sa aming Mga Serbisyo.
- Kung ginagamit mo ang Atlas browser, made-delete mo ang browsing history mo o mapipili mong mag-browse sa web sa incognito mode, na nakakatulong na mapanatiling private sa ibang taong gumagamit ng device mo ang pagba-browse mo.
- Makakapag-unsubscribe ka mula sa mga komunikasyon sa marketing na natatanggap mo mula sa amin sa pamamagitan ng paggamit sa mga pagpipiliang ibinigay sa mga komunikasyong iyon.
Makakakita ka ng higit pang impormasyon tungkol sa mga kontrol ng data dito(magbubukas sa bagong window) at sa pagbisita sa privacy.openai.com(magbubukas sa bagong window).
6. Mga karapatan mo
Mayroon kang mga sumusunod na karapatang ayon sa batas kaugnay ng iyong Personal na Data:
- I-access ang iyong Personal na Data at impormasyon may kaugnayan sa kung paano ito pinoproseso.
- I-delete ang iyong Personal na Data mula sa aming mga rekord.
- Itama o i-update ang iyong Personal na Data.
- Ilipat ang iyong Personal na Data sa third party (karapatan sa paglipat ng data).
- Limitahan kung paano namin pinoproseso ang iyong Personal na Data.
- Bawiin ang iyong pahintulot—kung saan kami umaasa sa pahintulot bilang legal na batayan para sa pagproseso.
- Maghain ng reklamo sa iyong lokal na awtoridad sa proteksyon ng data (tingnan sa ibaba).
Mayroon kang mga sumusunod na karapatan na tumutol:
- Ipahayag ang pagtutol sa aming pagproseso ng iyong Personal na Data para sa direktang marketing.
- Tutulan kung paano namin pinoproseso ang iyong Personal na Data kapag ang pagproseso namin ay batay sa mga lehitimong interes.
Maaari mong gamitin ang ilan sa mga karapatang ito sa pamamagitan ng iyong OpenAI account gamit ang mga tool na inilarawan sa seksyon ng mga kontrol sa Data. Kung hindi mo magamit ang iyong mga karapatan gamit ang iyong account, pakisumite ang kahilingan sa privacy.openai.com(magbubukas sa bagong window) o ipadala ito sa dsar@openai.com. Kung mayroon kang iba pang alalahanin tungkol sa aming pagproseso ng iyong personal na Data, maaari kang sumulat sa amin sa privacy@openai.com.
Umaasa kami na masasagot namin ang anumang mga katanungan o alalahanin na maaaring mayroon ka. Kung mayroon kang anumang hindi pa nalulutas na reklamo sa amin o sa aming Officer ng Pagprotekta ng Data:
- Kung naninirahan ka sa European Economic Area, maaari kang makipag-ugnayan sa Irish Data Protection Commission(magbubukas sa bagong window) bilang aming pangunahing awtoridad na nangangasiwa, o sa iyong lokal na awtoridad na nangangasiwa(magbubukas sa bagong window);
- Kung nakatira ka sa UK, puwede kang makipag-ugnayan sa Information Commissioner’s Office(magbubukas sa bagong window);
- Kung nakatira ka sa Switzerland, puwede kang makipag-ugnayan sa Federal Data Protection and Information Commissioner(magbubukas sa bagong window).
Note tungkol sa pagiging tumpak: Ang Mga Serbisyo gaya ng ChatGPT ay gumagawa ng mga sagot sa pamamagitan ng pagbabasa sa kahilingan ng user at, bilang pagsagot, hinuhulaan nito ang mga salitang pinakamalamang na susunod na lilitaw. Sa ilang pagkakataon, ang mga salitang pinakamalamang na susunod na lilitaw ay baka hindi ang pinakatama ayon sa fact. Dahil dito, hindi ka dapat umasa sa katumpakan ng output ng aming mga modelo.
Kung mapapansin mo na naglalaman ng hindi tamang impormasyon tungkol sa iyo ang output ng ChatGPT at gusto mong humiling ng pagwawasto o pagtanggal ng impormasyong iyon, puwede mong isumite ang mga kahilingang ito sa pamamagitan ng privacy.openai.com o sa dsar@openai.com, at isasaalang-alang namin ang kahilingan mo batay sa naaangkop na batas at sa teknikal na kakayahan ng mga modelo namin.
Para sa impormasyon kung paano mo magagamit ang iyong mga karapatan kaugnay sa data na nakolekta namin mula sa internet para sanayin ang aming mga modelo, pakitingnan ang paunawang(magbubukas sa bagong window) ito.
7. Mga Bata
Ang Mga Serbisyo namin ay hindi nakatuon, o nilayon para sa mga bata na wala pang 13 taong gulang. Hindi namin sinasadyang mangolekta ng Personal na Data mula sa mga batang wala pang 13 taong gulang. Kung may dahilan ka para maniwalang nagbigay ang isang batang wala pang 13 taong gulang ng Personal na Data sa OpenAI gamit ang Mga Serbisyo, mag-email sa amin sa privacy@openai.com. Iimbestigahan namin ang anumang notification at, kung angkop, ide-delete ang Personal na Data mula sa aming mga system. Ang mga user na wala pang 18 ay dapat may pahintulot mula sa kanilang magulang o guardian para magamit ang aming Mga Serbisyo. Dagdagan ang nalalaman(magbubukas sa bagong window) tungkol sa kung paano maaaring i-link ng mga kabataan at ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga ang kanilang mga account.
8. Security
Nagpapatupad kami ng mga makatwirang teknikal, administratibo, at organisasyonal na hakbang para protektahan ang Personal na Data mula sa pagkawala, maling paggamit, at hindi awtorisadong pag-access, pagsisiwalat, pagbabago, o pagkasira. Gayunpaman, walang Internet o transmisyon ng email na ganap na ligtas o walang pagkakamali. Kaya, dapat mong pag-isipang mabuti kung anong impormasyon ang ibibigay mo sa mga Serbisyo. Bukod dito, hindi kami mananagot para sa pag-iwas sa anumang mga setting ng privacy o mga hakbang sa security na nakapaloob sa Mga Serbisyo, o mga website ng third-party.
9. Mga legal na batayan para sa pagproseso
Layunin ng pagproseso | Uri ng Personal na Data na pinoproseso, depende sa aktibidad ng pagproseso | Legal na batayan, depende sa aktibidad ng pagproseso |
Para magbigay, magsuri, at mapanatili ang aming mga Serbisyo Halimbawa,
|
| Kung kinakailangan para maisagawa ang kontrata sa iyo, tulad ng pagproseso ng iyong mga prompt at iba pang Content upara makapagbigay ng tugon. |
Para i-personalize at i-customize ang karanasan mo sa aming Mga Serbisyo para sa iyo. Halimbawa,
|
| Kung kinakailangan para matupad ang kontrata sa iyo, kabilang ang pagsunod sa iyong mga Custom Instruction sa pagtugon sa iyong mga prompt. Kung kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes at sa mga interes ng mga third party para mabigyan ka ng mas mahusay na karanasan ng user. Halimbawa, para i-personalize ang mga feature at content o magbigay ng mga mungkahi para sa mga paksa na maaaring interesado ka. Kung kinakailangan para sumunod sa legal na obligasyon (o, kung hindi sa ilalim ng partikular na legal na obligasyon, kung kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes at sa mga third party), tulad ng pagbibigay sa iyo ng karanasang naaangkop sa iyong edad. |
Kapag ibinigay mo ang iyong pahintulot para i-personalize ang mga ad na nakikita mo sa aming mga serbisyo. Halimbawa:
|
| Ang iyong pahintulot, para sa mga user ng Free at Go, kapag hinihingi namin ito para i-personalize ang mga ad na nakikita mo sa aming mga Serbisyo. |
Para ipakita sa iyo ang mga generic na ad sa aming mga serbisyo kung saan pinipili mo ang karanasan sa mga generic na ad (kung saan wala kang ChatGPT Plus o Pro account at hindi ka pumapayag sa pagproseso para sa naka-personalize na advertising o pinipili mo ang libreng opsyon na walang ad na may karagdagang mga limitasyon) Halimbawa:
|
| Kung kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes at sa mga interes ng mga third party. Halimbawa, pagpapakita ng mga Generic na ad para gawing naa-access ng lahat ang makapangyarihan at ligtas na AI, at para suportahan ang mga interes ng mga advertiser na user sa pag-abot sa mga user na maaaring interesado sa kanilang mga produkto/serbisyo. |
Para magbigay ng mga serbisyo sa pagsukat at pag-uulat sa mga advertiser. Halimbawa, para sa mga user ng Free at Go, nangongolekta at gumagamit kami ng impormasyon gaya ng mga uri ng nilalaman ng ad na tinitingnan mo o kinakahiligan para maunawaan ng sama-sama kung paano nakikipag-ugnayan ang mga user sa aming mga ad. Makakatanggap ang mga advertiser ng pinagsama-samang ulat, gaya ng mga pagtingin o pag-click sa mga ad. |
| Kung kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes at sa mga interes ng mga third party. Halimbawa, nasa aming interes at sa interes ng mga advertiser na magbigay ng tumpak na pag-uulat para maunawaan ng mga advertiser kung paano nag-perform ang kanilang mga ad. |
Para mapabuti at mapaunlad ang aming mga Serbisyo, at magsagawa ng pananaliksik Halimbawa,
|
| Kung saan kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes at sa mga third party at mas malawak na lipunan, kabilang sa pagbuo at pagpapabuti ng aming mga Serbisyo, tulad ng kapag sinasanay at pinapabuti namin ang aming mga modelo para sa lahat. Tingnan dito(magbubukas sa bagong window) para sa karagdagang impormasyon. |
Para makipag-ugnayan sa iyo, kabilang ang pagpapadala sa iyo ng impormasyon tungkol sa aming mga Serbisyo at event, at para i-promote sa iyo ang aming mga Serbisyo.
|
| Kung kinakailangan para maisagawa ang kontrata sa iyo, gaya ng pagpoproseso ng impormasyon ng pakikipag-ugnayan mo para magpadala sa iyo ng teknikal na anunsyo tungkol sa mga Serbisyo. Ang iyong pahintulot kapag hinihiling namin ito para iproseso ang iyong Personal na Data para sa tiyak na layunin na ipinapaalam namin sa iyo, tulad ng pagproseso ng iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan para magpadala sa iyo ng ilang uri ng mga komunikasyon sa marketing. Kung kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes at sa interes ng mga third party, halimbawa kapag nagpapadala ng mga survey para humingi ng feedback. |
Para tukuyin ang mga contact mo na gumagamit ng aming Mga Serbisyo kapag pinili mong ikonekta ang mga contact mo, at i-update ka kapag sumali sila sa aming Mga Serbisyo sa ibang pagkakataon. |
| Kung kinakailangan para maisagawa ang kontrata sa iyo kapag pinili mong ikonekta ang iyong mga contact sa aming mga Serbisyo. Kung kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes at sa interes ng mga third party, para bigyang-daan kang ikonekta ang iyong mga contact at makipagtulungan sa mga taong maaaring kilala mo sa aming mga Serbisyo. |
Para pigilan ang pandaraya, ilegal na aktibidad, o maling paggamit ng aming mga Serbisyo, at para protektahan ang seguridad ng aming mga system at Serbisyo Halimbawa,
|
| Kung kinakailangan para sumunod sa legal na obligasyon. Kung saan wala kami sa ilalim ng partikular na legal na obligasyon, kung saan kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes at sa interes ng third party, kabilang ang pagprotekta sa aming mga Serbisyo mula sa pang-aabuso, pandaraya, o mga panganib sa seguridad, tulad ng pagproseso ng data mula sa mga pinagkakatiwalaang partner para maprotektahan laban sa pandaraya, pang-aabuso at mga banta sa seguridad sa aming mga Serbisyo. |
Para sumunod sa mga legal na obligasyon at para protektahan ang mga karapatan, privacy, kaligtasan, o ari-arian ng aming mga user, OpenAI, o mga third party Halimbawa,
|
| Kung kinakailangan para makasunod sa legal na obligasyon, tulad ng pagpapanatili ng impormasyon sa pagsingil para makasunod sa mga kinakailangan sa pananalapi. Kung saan wala kami sa ilalim ng partikular na legal na obligasyon, kung saan kinakailangan para sa aming mga lehitimong interes at sa mga interes ng mga third party at sa mas malawak na lipunan, kabilang ang pagprotekta sa aming mga karapatan, kaligtasan, at ari-arian o ng aming mga affiliate, user, o third party, tulad ng pagsusuri ng data ng log para matukoy ang pandaraya at pang-aabuso sa aming mga Serbisyo. Kapag kinakailangan para protektahan ang mahahalagang interes mo o ng ibang tao, halimbawa kapag na-trigger ang mga alerto sa kaligtasan ng kabataan. |
10. Paglilipat ng Data
Pinoproseso ng OpenAI ang iyong Personal na Data sa mga server na matatagpuan sa labas ng EEA, Switzerland, at UK para sa mga layuning inilarawan sa patakarang ito. Kasama rito ang pagproseso at pag-iimbak ng iyong Personal na Data sa aming mga pasilidad at server sa United States o sa mga bansa o teritoryo kung saan matatagpuan ang aming mga affiliate at partner o ang aming mga vendor at service provider. Bagaman nag-iiba ang batas sa proteksyon ng data sa bawat bansa at maaaring hindi mag-alok ang mga bansang ito ng kaparehong antas ng proteksyon ng data gaya ng sa iyong sariling bansa, ipinapatupad namin ang mga proteksyong inilarawan sa patakarang ito sa iyong Personal na Data kahit saan man ito iproseso. Kapag inililipat ang Personal na Data sa labas ng EEA, Switzerland, o UK, umaasa kami sa mga valid na mekanismo ng paglipat para sumunod sa naaangkop na batas sa proteksyon ng data, gaya ng:
- Umaasa kami sa mga desisyon sa kasapatan(magbubukas sa bagong window) ng European Commission at sa mga regulasyon sa kasapatan ng UK Secretary of State alinsunod sa Artikulo 45(1) EU at UK GDPR (“GDPR”) kapag inililipat ang iyong Personal na Data sa anumang bansa na itinuring na nagbibigay ng sapat na antas ng proteksyon.
- Para sa iba pang hurisdiksyon, umaasa kami sa Standard Contractual Clauses na inaprubahan ng European Commission alinsunod sa Artikulo 46(2)(c) ng GDPR (“SCCs”) at sa UK International Data Transfer Addendum sa SCCs.
Para sa karagdagang impormasyon o para makakuha ng kopya ng angkop na mga pananggalang na ipinatutupad namin kapag naglilipat ng Personal na Data, makipag-ugnayan sa amin sa privacy@openai.com.
11. Mga Pagbabago sa Patakaran sa Privacy
Posibleng i-update namin paminsan-minsan ang patakarang ito. Kapag ginawa namin iyon, ilalathala namin sa page na ito ang isang na-update na bersyon at petsa ng pagpapatupad, malibang ibang uri ng abiso ang hilingin ng naaangkop na batas.
12. Controller ng Data
Kung nakatira ka sa European Economic Area (EEA) o Switzerland, ang OpenAI Ireland Limited, na may rehistradong tanggapan sa 1st Floor, The Liffey Trust Centre, 117-126 Sheriff Street Upper, Dublin 1, D01 YC43, Ireland, ang controller at responsable sa pagproseso ng Personal na Data mo gaya ng inilarawan sa patakarang ito.
Kung nakatira ka sa ibang lugar, ang OpenAI OpCo, LLC, na may rehistradong tanggapan sa 1455 Third Street, San Francisco, California 94158, United States, ang controller at responsable sa pagproseso ng iyong Personal na Data gaya ng inilarawan sa patakarang ito.
13. Kung paano mo kami makokontak
Kontakin ang suporta(magbubukas sa bagong window) kung mayroon kang anumang mga katanungan o alalahanin na hindi pa natutugunan sa patakarang ito. Bilang alternatibo, puwede kang sumulat sa amin sa privacy@openai.com o sa address sa itaas sa ilalim ng Seksyon # (Controller ng Data).
Puwede mong kontakin ang aming officer ng pagprotekta ng data sa dpo@openai.com para sa mga bagay na may kaugnayan sa pagproseso ng Personal na Data.