GPT‑5.5 Instant: mas smart, mas malinaw, at mas personalized
Ina-update namin ang default model ng ChatGPT, at available ito para sa lahat, para maging mas smart at mas accurate, at may mas malinaw at concise na mga sagot na ramdam mong mas bagay sa'yo.
Dahil Instant ang araw-araw na gamit ng milyon-milyong tao, malaki ang epekto kahit ng maliliit na improvement. Sa update na ito, mas magiging useful at enjoyable ang interactions araw-araw: mas tama at mas concise ang mga sagot sa maraming iba’t ibang area, mas natural at conversational ang tone, at ginagamit nang mas mahusay ang nai-share mo nang context kapag makakatulong ang personalization.
Mas maaasahan na ngayon ang Instant, dahil sa major improvements sa factuality sa lahat ng area at pinakamalalaking pagsulong sa mga domain kung saan pinakamahalaga ang accuracy. Pagdating sa mga internal evaluation, mas kaunti nang 52.5% ang hallucinated claims ng GPT‑5.5 Instant kumpara sa GPT‑5.3 Instant sa mga high-stakes prompt sa mga area na gaya ng medicine, law, at finance. Nabawasan din nito nang 37.3% ang mga hindi accurate na claim sa mga challenging conversation na na-flagged ng mga user dahil sa factual errors.
Sa kabuuan, mas smart na model ang GPT‑5.5 Instant at mas capable para sa mga everyday task, kasama na rito ang improvements sa pag-analyze ng mga photo at image upload, pagsagot ng mga STEM-related question, at pagdedesisyon kung kailan gagamit ng web search para makapagbigay ng mas useful na sagot.
Makikita ang improvements na ito sa mahusay na performance sa mga evaluation sa visual reasoning, math, at science:
Sa update na ito, mas concise, at mas specific pero may substance pa rin, ang mga response ng model. Pinanatili rin ang warmth at personality ng ChatGPT na siyang dahilan kung bakit nakaka-enjoy itong gamitin. Same information ang kaya nitong i-deliver pero madalas mas effective kaysa sa mas naunang mga model. Binabawasan din nito ang pagiging madetalye at sobrang formatting na nagpapahaba masyado sa mga response. Mas kaunti na rin ang mga di-kailangang follow-up question nito at iniiwasan ang mga bagay na puwedeng magpagulo lang sa mga response, gaya ng mga di-importanteng emoji.
Mas effective na ngayon ang Instant sa paggamit ng context mula sa mga nakaraang chat, file, at Gmail, kung nai-connect mo ito, kaya mas personal at mas relevant na ang mga sagot habang kontrolado mo pa rin ang mga iyon. Kaya nitong mag-decide kung kailan puwedeng i-improve ang response at dagdagan ang personalization. Mas mabilis din itong mag-search sa mga nakaraang conversation para mahanap ang tamang context, kaya hindi ka na magpapaulit-ulit nang madalas. Nakakatulong ito lalong-lalo na para makakuha ka ng mga suggestion at plano na bagay sa'yo o para maipagpatuloy mo ang ongoing na trabaho kung saan ka huminto.
Ini-introduce din namin ang mga memory source sa lahat ng ChatGPT model. Mabibigyan ka nito ng visibility sa context na ginamit para i-personalize ang mga response at ng mga bagong control. Kapag naka-personalize ang isang response, makikita mo kung anong context ang ginamit, gaya ng mga naka-save na memory o mga nakaraang chat, at made-delete mo o maitatama kung may isang bagay na outdated na o hindi na relevant.
Hindi ipinapakita sa iba ang mga memory source kapag pinili mong i-share ang chat. Ikaw pa rin ang may kontrol sa laman ng memory mo: puwede mong i-delete ang mga chat na ayaw mo nang i-cite, i-delete o baguhin ang mga item sa mga naka-save na memory sa settings, o gumamit ng mga temporary chat na hindi ginagamit o ina-update ang memory mo.
Dinisenyo ang mga memory source para maging mas madaling maintindihan ang personalization, pero puwedeng hindi nito ipakita ang bawat factor na nakaimpluwensya sa isang sagot. Halimbawa, puwedeng ilan lang sa pinaka-relevant na mga nakaraang chat sa mga source ang ipakita nito sa'yo imbes na lahat ng nakaraang chat na na-search at na-reference nito. Patuloy naming ii-improve ang view na ito para maging mas comprehensive pa sa hinaharap.

Simula ngayong araw, iro-roll out na ang GPT‑5.5 Instant sa lahat ng ChatGPT user. Papalitan nito ang GPT‑5.3 Instant bilang default model, at sa API bilang chat-latest. Para sa mga paid user, mananatiling available ang GPT‑5.3 Instant sa loob ng 3 months, at magiging accessible sa settings ng model configuration, bago ito tuluyang i-retire.
Ang enhanced personalization mula sa mga nakaraang chat, file, at naka-connect na Gmail ay iro-roll out sa mga Plus at Pro user sa web at di-magtatagal sa mobile, na may mga plan para i-expand sa Free, Go, Business, at Enterprise sa mga susunod na week. Ang mga memory source ay iro-roll out sa lahat ng consumer plan ng ChatGPT sa web at di-magtatagal sa mobile. Posibleng mag-iba-iba depende sa region ang availability ng specific na mga personalization source.



