Ang susunod na phase ng Education for Countries ng OpenAI
Sa Education World Forum sa London, ibinahagi ng OpenAI ang mga unang natutuhan sa Education for Countries at winelcome ang Singapore sa program.
Narito na ang bagong era ng agentic AI. Linggo-linggo, mahigit 900 million ang gumagamit ng ChatGPT, at mahigit 4 million ang gumagamit ng Codex, kaya naman matutulungan ng mga agent ang bawat estudyante na maging mas lalong creative, intellectual, at skilled sa technology, na makakatulong sa mga kabataan para maisagawa nila ang mga idea nila, abutin nila ang mga ambisyong parang hindi maaabot noon, at maging mga creator at builder sa hinaharap. Napakahalaga para sa OpenAI na malaman kung paano nakakaapekto ang AI sa cognition, learning, at development sa pagdaan ng panahon. Habang mabilis na sumusulong ang mga tool na ito, ang responsableng pagde-deploy nito ang dapat na unang pag-isipan. Nangangailangan ito ng malalawak na research partnership na pinangungunahan ng pamahalaan para maibagay ang AI sa mga educational context sa tulong ng mga educator, masiguro ang responsableng paggamit nito, at maipakitang safe at effective na gamitin ito.
Ito ang model na ginamit ng OpenAI sa Education for Countries, na inilunsad sa Davos noong unang bahagi ng taong ito. Sa unang cohort namin, nabuo ang isang community ng mga bansang pinagkaisa ng magkaparehong pangarap nila: ma-improve ang mga learning outcome at mabuksan ang mga oportunidad sa ekonomiya. Sa ngayon, isinusulong na ng Estonia, Greece, CRUI ng Italy, Slovakia, Trinidad & Tobago, Kazakhstan, UAE, at Jordan ang gawaing ito sa tatlong mahahalagang area:
- Research-driven na pag-deploy: Gamit ang Learning Outcomes Measurement Suite ng OpenAI, inuumpisahan ang mga deployment bilang mga research partnership na tumutulong sa mga pamahalaan, educator, at sa OpenAI na maintindihan ang impact ng AI sa mga learner, ma-improve ang technology, at makapag-build ng ebidensya sa kung ano ang epektibo.
- Mga localized AI tool para sa learning: Maa-access ng buong system ang secure, compliant, at private na ChatGPT, Codex, at API platform ng OpenAI, na dinisenyo para sa teaching at learning.
- Training ng mga teacher at enablement: AI literacy, professional development, at mga certification na tumutulong sa mga educator na magamit ang mga tool na ito nang may kumpiyansa at responsable.
Ang Estonia ay digital leader. Matatagpuan dito ang isa sa pinakamatatatag na education system sa mundo at ang isang umuunlad na startup ecosystem. Sa pamamagitan ng AI Leap Foundation, pinangungunahan ng Ministry of Education ng Estonia ang isang nationwide at research-driven na deployment ng ChatGPT Edu. Nilo-localize ito para sa mga school, nakakatulong sa mga educator, at itinatatag nito ang mga pundasyon para sa responsableng paggamit. Sa ngayon, mahigit 20,000 na estudyante na at 4,600 na teacher ang naabot ng ChatGPT Edu.
Ang susunod na phase ay naka-focus sa pag-localize sa mga tool, pag-build ng sovereign capability, at pagsukat sa impact nito sa totoong mundo. Nakikipag-collaborate ang OpenAI sa AI Leap, University of Tartu, at Stanford para maintindihan kung paano nakakaapekto ang AI sa learning o pagkatuto ng mahigit 20,000 na estudyante sa mga tunay na classroom setting. Ipinapangako naming ishe-share namin sa publiko ang findings namin. Kasabay ng research na ito, nag-i-invest din kami sa enablement at pag-upskill ng mga teacher. Kinikilala namin na ang mga educator ang pundasyon ng responsableng paggamit ng AI sa classroom. Kasama sa gawaing ito ang mga professional learning community at mga builder event na kagaya ng kamakailang Presidential Codex Hackathon. Mahigit 150 ang naging participant nito at nakabuo sila humigit-kumulang 30 team na tinuruan ng OpenAI na makagawa ng mga tool para sa classroom, kasama na rito ang Maths Feedback Coach at AI STEM Tutor.
“Dinala ng AI Leap at OpenAI ang global AI expertise sa education system ng Estonia habang nire-research din kung paano naiimpluwensyahan ng mga tool na ito ang learning, thinking, at long-term skill development. Naniniwala kami na ang susunod na generation ng AI, kasama na ang mga agent at tool na gaya ng Codex, ay makaka-support sa mas personalized at mas proactive na learning habang patuloy na pinalalakas ang critical thinking, independent learning, at ang role ng mga teacher. Excited na kaming makatulong sa pag-develop ng mga approach na puwedeng magamit ng ibang mga education system.”
Sa unang cohort pa lang, nakakakita na kami ng matibay na sign ng positive impact:
- Sa Jordan, mahigit 1,000,000 na mga estudyante at mahigit 100,000 na mga guro ang gumagamit ng AI Education Assistant na si Siraj. Bahagi ito ng mas malawak na pambansang inisyatiba na pinangungunahan ng National Council for Future Technology para maglunsad ng mga AI-powered na tool na nagdudulot ng makabuluhang pag-unlad sa mga pampublikong serbisyo.
- Sa Greece, pumili ang OpenAI for Greece AI Startup Accelerator ng 21 na AI-native startup mula sa 240 na application, para i-develop ang susunod na generation ng mga founder, mapanatili ang talent sa bansa nila, at maging mga bagong kumpanya at idea ang pangarap ng bansa.
- Sa Kazakhstan, matapos i-deploy ang ChatGPT Edu sa lahat ng 20 rehiyon, mahigit 84,000 na educator ang nakatapos sa AI-readiness training. 9 sa 10 educator na na-survey ang nagsabing nakakatulong ang ChatGPT Edu sa trabaho at 44,000 na active educator ang nakapagpadala ng 1.5 million prompt sa unang buwan pa lang.
- Sa Slovakia, ipinapakita ng mga unang resulta ng university survey na mahigit 9 sa 10 educator ang nag-report ng mas mataas na productivity, kaya mga 5 oras per week ang nase-save nila. Ginagamit naman ng isang team ng Ministry of Education ang Workspace Agents para mag-draft ng mga ni-revise na professional standard para sa mga teacher batay sa AI competency framework. Ang ilang buwang trabaho, nagawa nang ilang oras lang.
Ang education system ng Singapore ang isa sa pinakamahusay sa mundo, at napaka-active na ng mga kabataang Singaporean sa paggamit ng AI. Mga 43% ng paggamit ng ChatGPT ng mga 18–24 year olds ang connected sa learning at education. Ang susunod na step ay tulungan ang mga estudyante at mga educator na gamitin ang AI sa pagtuturo, pag-build ng AI literacy, pag-improve sa mga learning outcome, at paghahanda sa mga kabataan para sa future workforce.
Sa pamamagitan ng OpenAI for Singapore, ikinagagalak naming makipagtulungan sa Ministry of Education (MOE) ng Singapore, na nag-e-explore na ng iba’t ibang AI tool mula sa iba’t ibang partner para makabuluhang masuportahan ang pagtuturo at pag-aaral. Sinusuportahan ng OpenAI ang mga use case na na-build ng mga team ng MOE at GovTech para masuportahan ang naka-personalize na pag-aaral, halimbawa, tinutulungan namin ang mga estudyante na matuto ng mga mother tongue language nang mas interactive. Sinusuportahan din namin ang mga educator sa pamamagitan ng mga practical workshop at mga hands-on session bilang chapter ng OpenAI Academy sa Singapore. Nagsasagawa rin kami ng mga hackathon na Codex for Teachers, para masigurong nagagabayan ng mga guro ang paggamit ng AI at natitiyak na responsable iyon at patas.
Habang sumusulong ang Education for Countries, patuloy naming sinusuportahan ang mga pamahalaan sa paglipat mula sa simpleng pag-access sa mga tool tungo sa mga evidence-based na pag-deploy—na dinisenyo kasama ng mga Learning Scientist at Researcher, sinusukat ang epekto sa paglipas ng panahon, at ibinabahagi ang mga natutunan namin para mapalawak ng mga pamahalaan ang mga epektibong pamamaraan.
Para sa approach namin na unahin ang mga teacher, di-magtatagal ilulunsad namin ang unang phase ng OpenAI Luminaries. Isa itong bagong educator engagement track na naka-focus sa pagde-design na kasama ng mga teacher, mga practical classroom resource, at pagshe-share sa iba’t ibang bansa ng mga example na mula sa mga teacher.
Patuloy pa ring pumipili ang OpenAI ng mga partner na bansa para sa susunod na cohort namin, na ia-announce bago matapos ang taong ito. Makipag-ugnayan sa amin(magbubukas sa bagong window) para mag-apply.


