Binabago ng STADLER ang knowledge work sa kumpanyang 230 years na
Dahil nag-embed ng ChatGPT para sa 650 na empleyado para maging ilang minuto na lang ang mahabang oras ng knowledge work, napasulong sa buong kumpanya ang bilis, kalidad, at paggawa ng mga desisyon.

Mga resulta
125+
Mga nagawang Custom GPT
Mga resulta
30-40%
Nakakatipid ng oras sa mga karaniwang knowledge task
Mga resulta
2.5x
Sa average, mas mabilis na nakakagawa ng unang draft
Mga resulta
>85%
Araw-araw na aktibong paggamit
Mula sa tradisyonal na industriya tungo sa digital na teknolohiya
Ang STADLER ay isang family-owned na kumpanya na may mahigit 230 years nang kasaysayan. Eksperto ito sa mga automated waste sorting plant para sa global recycling industry. Dahil may mahigit 650 na empleyadong nag-o-operate sa buong mundo, may mahalagang papel ang kumpanya sa pagtulong sa mga bansa na isulong ang mga goal nila sa sustainability at circular economy.
Sa pamumuno ng Co-CEO na si Julia Stadler, nagsagawa ang kumpanya ng makabagong approach tungo sa modernisasyon. Inimbed nito ang AI sa araw-araw na trabaho bilang pangunahing layer ng productivity. Mula noong 2023, malinaw ang prinsipyong itinataguyod ng STADLER: bawat empleyadong nagtatrabaho sa computer ay dapat gumamit ng AI para ma-improve ang bilis, kalidad, at kolaborasyon.
“Sa maraming team, andami-andaming panahon ang nagagamit ng mga tao para lang magawang usable output ang mga raw knowledge, nagsa-summarize, nagta-translate, nagda-draft. Alam naming may mas magandang paraan pa kaysa rito.”
Ginawang productivity layer sa buong ng kumpanya ang AI
In-adopt ng STADLER ang ChatGPT ng OpenAI para maalis ang friction na ito, at pinili nila ito dahil sa kalidad ng output, bilis, at pagiging magagamit agad.
Matapos i-evaluate ang mga alternative, ang ChatGPT ang consistent na nakapag-deliver ng mga resulta na mas may structure, nakakaintindi ng context, at magagamit sa praktikal na paraan. Bukod sa mga iyan, nakakatulong din agad ito dahil sa unang araw pa lang, nakakagawa na ang mga team ng mga output na puwede nang magamit.
Sa pag-rollout nito, pinagsama ang experimentation sa mga empleyado at ang suporta ng leadership. Hinimok ang mga empleyado na i-explore ang mga use case, habang ang leadership naman ay naglaan sa buong kumpanya ng access, training, at malinaw na mga guardrail.
Ngayon, naka-embed na ang ChatGPT sa halos lahat ng function:
- Ginagamit ito ng mga engineering at data team para sa analysis, code support, at pag-evaluate ng performance
- Ginagamit ng mga project at management team ang mga Custom GPT para i-structure ang mga proseso at i-improve ang documentation
- Tina-translate ng mga marketing team ang komplikadong mga technical knowledge para maging malinaw na global communication
- Ginagamit ito ng lahat ng team sa pagda-draft, pagsa-summarize, sa research, at may structure na pag-iisip
Nakagawa na ang STADLER ng mahigit 125 na custom GPT, na partikular nang nagagamit nang husto sa translation at sa mga email workflow.
"Dati, kalahating araw ang kailangan para makagawa ng maayos na unang version ng draft, ngayon 20 minutes lang may solid na draft na at pagkatapos, i-improve na," ang sabi ni Julia Stadler.
“Hindi lang basta isang writing tool ang ChatGPT, isang ka-partner ito sa pag-iisip na tumutulong makabuo ng mga ideya at mapabilis ang paraan ng pagtatrabaho namin.

Mula sa blangkong page tungo sa impact sa negosyo
Agad-agad ang naging impact at kitang-kita iyon. Ang mga gawaing inaabot dati ng ilang oras, pagda-draft ng mga document, pagsa-summarize ng impormasyon, paghahanda ng communication, natatapos ngayon sa ilang minuto lang.
Sa halip na magsimula sa scratch, nag-uumpisa ang mga empleyado sa mga naka-structure na output at nakakapag-focus sa refinement, paggawa ng desisyon, at trabahong mas mataas ang value.
Kasama sa mahahalagang kinalabasan ang:
- 30-40% na katipiran sa oras sa mga karaniwang knowledge task na gaya ng pagsa-summarize at documentation
- Sa average, 2.5x na naging mas mabilis ang paggawa ng unang draft, at nagkaroon ng 6x na pagbilis sa mga high-volume use case na kagaya ng social media
- >85% na araw-araw na aktibong paggamit, kung saan maraming beses sa isang araw na ginagamit ito ng mga empleyado
- Mas mabilis na pagggawa ng desisyon, dahil sa mas mabilis na access sa mga naka-structure na insight
- Mas mataas na kalidad ng output, na may pinahusay na clarity, consistency, at structure
- Nabawasan ang friction, kaya naging mas madaling simulan at tapusin ang mga komplikadong gawain
“Ang pinakamakabuluhang senyales ay kung gaano kadalas itong binabalik-balikan ng mga tao. Kapag ilang beses itong ginagamit ng mga empleyado sa isang araw nang hindi na sinasabihan, alam mong talagang nakakatulong ito.”
Bukod pa sa mga naging pakinabang sa efficiency, nakita ng STADLER ang mas malawak na pagbabago sa paraan ng pagtatrabaho ng mga team. Mas ginagamit na ngayon ng mga empleyado ang ChatGPT para maging malinaw ang pag-iisip, mag-explore ng mga ideya, at i-structure ang mga komplikadong problema. Ang productivity tool noong umpisa ay naging cognitive tool na.
Ano ang susunod: mula assistant tungo sa execution layer
Nakikita ngayon ng STADLER na nag-e-evolve na ang AI, mula sa assistance tungo sa execution.
Ang susunod na yugto ay ang pag-integrate ng mga AI agent sa mga pangunahing workflow, mga system na kayang mag-gather ng mga impormasyon, mag-generate ng output, mag-validate batay sa mga standard, at mag-route ng trabaho para sa approval.
Para sa isang kumpanyang may mahigit dalawang siglong kasaysayan na, malinaw na ang pagbabago. Dahil sa pag-embed ng AI sa araw-araw na trabaho, mas mabilis, mas maliksi, at mas matalino nang nakakapag-operate ang STADLER kaya isang bagong level ng productivity ang nabuksan sa pandaigdigang organisasyon nito.


