May potensyal ang AI na ma-improve nang husto ang maraming aspeto ng lipunan.
Ang teknolohiyang ito, tulad ng ibang teknolohiya bago nito, ay magbibigay sa mga tao ng higit na kakayahan at kontrol; napakalaki ng magagawa ng mga tao gamit ang AI kumpara sa magagawa nila gamit ang mga steam engine o kuryente.
Ang ini-imagine namin ay isang mundo na may malawak na pag-unlad sa antas na hindi pa natin lubos maisip sa ngayon, at isang mundo kung saan malaki ang isinulong ng potensyal, kontrol, at naisakatuparan ng tao. Puwedeng maging realidad ang maraming bagay na pinapangarap lang natin sa sci-fi, at karamihan sa mga tao ay puwedeng mamuhay nang mas makabuluhan kaysa sa buhay ng karamihan ngayon.
Pero hindi ito sigurado. Ang kapangyarihan sa hinaharap ay puwedeng mapunta sa kamay ng iilang kumpanya lang na gumagamit at kumokontrol sa superintelligence, o puwede itong mapunta sa mga tao sa halip na sa isang grupo lang. Naniniwala kaming mas mabuti ang huling nabanggit, at ang goal namin ay mailagay sa kamay ng pinakamaraming tao hangga't posible ang general AI. Tulad ng nangyayari ngayon, ang hinaharap ay hindi magiging puro masama o puro mabuti, pero makakatulong ang mga desisyong ginagawa natin ngayon para mas umiral ang mabuti.
Ang misyon namin ay siguruhing makikinabang sa AGI ang lahat ng tao. Narito ang mga prinsipyong gumagabay sa ginagawa namin.
1. Democratization. Pipigilan namin ang posibilidad na mailagay ng teknolohiyang ito sa kamay ng iilan lang ang kapangyarihan.
Ibig sabihin, bukod pagbibigay ng access sa AI sa lahat, kailangan din naming tiyakin na ang mahahalagang desisyon tungkol sa AI ay ginagawa sa pamamagitan ng mga demokratikong proseso at ayon sa mga prinsipyo nang pagiging patas at pantay-pantay, at hindi lang basta ginawa ng mga AI lab.
2. Empowerment. Naniniwala kaming kayang i-empower o bigyang-kakayahan ng AI ang lahat para maabot nila ang mga goal nila, mas matuto pa sila, maging mas masaya at mas fulfilled sila, at abutin nila ang mga pangarap nila, at na sa kabuuan, makikinabang dito ang lipunan.
Para makamit ito, kailangang hayaan nating ma-explore ng mga tao ang napakalaking potensyal na nasa harapan natin, at kailangan nating makagawa ng mga produktong magbibigay-daan dito. Gamit ang mga serbisyo namin, dapat na patuloy na makagawa ng mas marami pang makabuluhang task ang mga user.
Ang mundo ay binubuo ng iba't ibang tao na may iba't ibang pangangailangan. Gusto naming maibigay sa mga user namin ang awtonomiyang kailangan nila ayon sa makatuwirang maibibigay namin.
Gusto namin na malayang magamit nang husto ng aming mga user ang mga serbisyo namin at talagang naniniwala kaming sa kabuuan napakalaki ng maitutulong ng AI, pero may responsibilidad kami na i-build at i-deploy ito sa paraang mas kaunti ang pinsala. Kasama rito siyempre ang pagsisikap na mapigilan ang malulubhang pinsala, mabawasan ang maliliit na pinsala sa paligid, at maiwasan ang potensyal na masamang epekto nito sa lipunan. Ibig sabihin, kapag hindi kami tiyak, mas pipiliin naming maging maingat, at mas magiging maluwag kami kapag may matibay na ebidensya.
3. Kasaganaan para sa lahat. Gusto namin ng isang kinabukasan kung saan lahat ay puwedeng magkaroon ng napakagandang buhay.
Sa paggawa ng mga AI system na napaka-capable, madaling gamitin, at maa-access ng lahat, naniniwala kaming makakahanap ang mga tao ng mga bagong paraan para makagawa ng makabuluhang mga bagay at mapabuti nang husto ang kalidad ng buhay para sa lahat, lalo na dahil sa pagsulong ng science.
Para lubos na matupad at lumawak ang kasaganaan, naniniwala kami na 1) kailangang mag-isip ang mga pamahalaan natin ng mga bagong economic model para matiyak na lahat ay makakabahagi sa paggawa ng makabuluhang mga bagay na nasa harap natin at 2) kailangan nating mag-build ng napakalaking bilang ng AI infrastructure at mag-develop ng bagong teknolohiya para mapababa nang husto ang gastos sa AI infrastructure.
Marami sa mga ginagawa namin na parang weird o kakaiba—bumibili ng napakalaking amount ng compute samantalang maliit pa ang revenue namin, vertical integration para mapababa ang gastos at gawing mas madaling gamitin ang teknolohiya namin, pagsusulong na magtayo ng mga datacenter sa iba't ibang bahagi ng mundo, at marami pang iba—ay dahil sa pangunahing paniniwala namin sa isang kinabukasan na may kasaganaan para sa lahat.
4. Resilience. Magdadala ng mga bagong panganib ang AI, at makikipagtulungan kami sa ibang mga kumpanya, ecosystem, mga pamahalaan, at society para malutas ang mga ito. Gagamitin namin nang husto ang resources ng Foundation namin para masuportahan ang gawaing ito.
Hindi magagawa ng iisang AI lab lang na masiguro ang isang magandang kinabukasan. Bilang malinaw na halimbawa, baka may napakagagaling na model na kayang padaliin ang paggawa ng bagong pathogen. Dahil dito, kailangan nating malawakang magtulungan bilang isang lipunan para malabanan ito gamit ang mga countermeasure na hindi lang para sa isang partikular na pathogen. Isa pang halimbawa, habang mas nadaragdagan ang mga cybersecurity capability ng mga model, kailangan nating mabilisang magamit ang mga model na ito para makatulong sa pag-secure ng open-source software at ng kritikal na infrastructure, habang tini-train ang mga model para matulungan ang lahat na makagawa ng iba pang mas secure na software.
Pagpapalawak ito sa matagal na naming strategy na step by step o iterative deployment; naniniwala kaming kailangang tanggapin ng lipunan ang bawat bagong level ng AI capability, unawain ito, i-integrate ito, at sama-samang alamin ang pinakamagandang daan tungo sa hinaharap. Hindi ito magagawa nang mag-isa lang; sabay na nagbabago ang lipunan at teknolohiya, at nangangailangan iyan ng panahon.
Hindi namin sinasabing ito lang ang safety strategy namin; kailangan din naming gumawa ng mga safe na system at patuloy na puspusang magtrabaho sa technical alignment.
Inaasahan naming darating ang mga panahon na kakailanganin naming makipagtulungan sa mga pamahalaan, mga international agency, at iba pang proyekto sa AGI para matiyak na sapat naming nalutas ang mga seryosong problema sa alignment, safety, o lipunan bago magpatuloy sa ginagawa namin.
5. Adaptability. Patuloy kaming naniniwala na ang tanging paraan para maharap ang mga hamon ng isang unpredictable na hinaharap ay maging handang i-update ang mga posisyon naman habang mas marami kaming natututuhan. Kinikilala rin namin na mas malaking puwersa na ngayon sa mundo ang OpenAI kaysa noong nakalipas na ilang taon, at magiging transparent kami tungkol sa kung kailan, paano, at bakit nagbabago ang mga prinsipyong gumagabay sa operasyon namin. Bilang matibay na halimbawa, bagama't kumpiyansa kami na mananatiling napakahalaga ng kasaganaan ng lahat, naiisip namin na darating ang panahon sa hinaharap na kakailanganin naming isantabi ang ilang pagbibigay-kakayahan para sa higit na resilience.
Marami nang naging sorpresa ang pag-unlad ng AI, at marami pang darating. Habang sumusulong ang teknolohiya, lalong magiging mahirap mahulaan ang mga lilitaw na behavior nito. Tinatanggap namin ang kawalang-katiyakang iyon sa pamamagitan ng maingat na pagpapahusay sa mga capability, paulit-ulit na pag-deploy ng mga system nang iterative o step by step, at pagkatuto mula sa mga interaction ng mga ito sa mundo.
Halos kailan lang, kabado kami sa pagre-release ng weights ng GPT‑2 dahil hindi kami sigurado sa magiging impact nito sa lipunan. Ngayon malinaw nang maling pag-aalala iyon, pero dahil doon natuklasan namin ang strategy ng iterative o step by step na deployment, na naging isa sa pinakamahahalagang bagay na na-figure out namin.
__
Papunta kami ngayon sa isang yugto na may napakalaking impact habang patuloy na nag-i-improve ang teknolohiya. Makatuwiran lang naman na punahin kami sa bawat desisyon; dahil sa bigat ng ginagawa namin, dapat lang na talagang suriin kami nang husto. Hindi namin magagawa nang tama ang lahat, pero mabilis kaming matututo at agad naming itatama ang aming direksiyon.
Determinado kaming gawin ang bahagi namin para maging mas maganda ang hinaharap kaysa sa nakaraan; para sa amin, isang karangalan na maisagawa ang ganito kahalagang gawain.


