Ang susunod na yugto ng partnership ng Microsoft at OpenAI
Binagong kasunduan na naglalaan ng malinaw na kaunawaan para sa hinaharap.
Dahil sa mabilis na pagsulong ng innovation, kailangan naming patuloy na paunlarin ang partnership namin para makinabangan ang mga customer namin at ang dalawang kumpanya. Ngayon, ini-announce namin ang isang binagong kasunduan para pasimplehin ang partnership namin at ang paraan ng pagtutulungan namin, na nakabatay sa pagiging flexible, katiyakan, at focus sa malawakang paghahatid ng mga benepisyo ng AI. Sa binagong kasunduan, pinatitibay ng higit na pagkamaasahan ang pinagsamang kakayahan namin na malawakang magtatag at magpatakbo ng mga AI platform habang binibigyan ng flexibility ang dalawang kumpanya para magtaguyod ng mga bagong oportunidad. Nakasaad sa kasunduan ang mga sumusunod:
- Nananatiling pangunahing cloud partner ng OpenAI ang Microsoft, at unang ilulunsad sa Azure ang mga produkto ng OpenAI, maliban kung hindi kayang suportahan ng Microsoft at pinipili nitong huwag suportahan ang mga kinakailangang kakayahan. Maihahatid na ngayon ng OpenAI ang lahat ng produkto nito sa mga customer sa alinmang cloud provider.
- Patuloy na magkakaroon ang Microsoft ng lisensya sa OpenAI IP para sa mga model at produkto hanggang 2032. Hindi na eksklusibo ngayon ang lisensya ng Microsoft.
- Hindi na magbabayad ang Microsoft ng bahagi sa kita (revenue share) sa OpenAI.
- Ang pagbabayad ng bahagi sa kita (revenue share) mula OpenAI papuntang Microsoft ay magpapatuloy hanggang 2030, anuman ang maging pagsulong ng teknolohiya ng OpenAI, sa kaparehong porsyento pero limitado sa itinakdang kabuuang halaga.
- Patuloy na direktang makikibahagi ang Microsoft sa paglago ng OpenAI bilang major shareholder.
Bagama't pinasisimple ng pagbabagong ito ang partnership, nananatiling matayog ang gawaing magkatulong naming isinasagawa. Mula sa pagpapalawak ng gigawatts ng bagong kapasidad ng datacenter, hanggang sa pagtutulungan sa next-generation silicon, hanggang sa paggamit ng AI para isulong ang cybersecurity, at iba pa, excited na kaming ipagpatuloy ang partnership para isulong at palawakin ang AI para sa mga tao at mga organisasyon sa buong mundo.


