Pagsasanay para tawirin ang Antarctica sakay ng bisikleta gamit ang ChatGPT
Naghahanda si James Benson-King na maging kauna-unahang magbibisikleta sa Antarctica nang mag-isa at walang suporta.
“Para sa akin, ginawa nitong impossible na gawain na naging isang bagay na ako mismo ang may hawak at kontrol… Nakatulong ang ChatGPT para magawa ko iyon sa sarili kong goal.”
Nagpapadyak patungo sa hindi pa alam
Sa Nobyembre, susubukan ni James Benson-King na maging unang tao na magbisikleta nang mag-isa at walang suportang panlabas mula sa gilid ng Antarctica hanggang sa South Pole, isang paglalakbay na puwedeng tumagal nang hanggang 60 araw. Pero para kay James, nagsisimula ang tunay na hamon matagal pa bago niya maiaapak ang paa o maipagulong ang gulong sa yelo. Ang paghahanda para sa ekspedisyong tulad nito ay kasinghirap ng mismong paglalakbay.
Ang rutang balak niyang tahakin ay nasubukan na sa iba’t ibang paraan, pero hindi pa ganito: mag-isa siya at walang anumang food drop sa daan. Walang standard na training plan para sa ginagawa ni James, at hindi pangkaraniwang kumplikado ang mga demand: kailangan niyang sabay-sabay i-build ang endurance, strength, technical skill, at experience sa cold weather, habang naghahanda rin para sa mga kondisyon na hindi ganap na masi-simulate.
Sa nakasanayan, mangangahulugan iyon ng pagbuo ng team ng magkakahiwalay na coach para sa bawat protocol, na mangangailangan ng sapat na pondo at karagdagang oras. Sa halip, gumawa si James ng sarili niyang programa sa pagsasanay gamit ang ChatGPT.

Sa isang liblib na ekspedisyon sa pagsasanay sa Iceland, nagse-set up si James ng camp sa yelo, tsine-tsek ang kanyang bisikleta habang kumokonsulta sa ChatGPT.

Binabawasan ni James ang bigat ng kanyang gear, gamit ang ChatGPT para i-optimize kahit ang maliliit na detalye tulad ng mga panghatak ng zipper ng kanyang coat.

Hinahanda ni James ang sarili laban sa lamig ng Iceland habang nagsasanay para sa kanyang paparating na ekspedisyon sa Antarctica

Ginagamit ni James ang ChatGPT para i-log ang mga iniisip at mga pagbabago sa pagbiyahe habang nagsasanay.

Pagsapit ng paglubog ng araw, pumuwesto na si James sa kampo.
Pagbuo ng system, hindi ng plano
Nang maging malinaw ang saklaw ng hamon, ang tanong para kay James ay hindi lamang kung paano maghanda para sa Antarctica, kundi kung paano pagsasama-samahin ang lahat ng iba't ibang elemento ng kanyang pagsasanay kasama ang mga mapagkukunang mayroon siya.
Sa halip na hatiin ang problema sa magkakahiwalay na bahagi, ginamit niya ang ChatGPT para bumuo ng planong mas nababagay at mas tumutugon sa kaniyang mga pangangailangan. Binibigyang-daan ng tool na pagsamahin ang iba’t ibang pamamaraan sa iisang system, subukan ang mga ideya, at mag-ayos habang natututo siya. Sa halip na pagbutihin ang isang bagay lang sa isang pagkakataon, nagagawa niyang balansehin ang lahat nang sabay-sabay.
Makikita ang epekto sa kung gaano kabilis ang kaniyang progress. Ang karaniwang nangangailangan ng mahahabang siklo ng iterasyon at koordinasyon ay naipaloob sa mas maikling yugto ng panahon, dahil binago ng ChatGPT ang mabagal at pira-pirasong proseso tungo sa isang proseso na puwedeng niyang patuloy na i-refine.

“Noong Enero ng nakaraang taon ang unang pagkakataon na may ginawa ako sa malamig na lugar. Sa loob lamang ng mahigit isang taon, pakiramdam ko ay may sapat na akong kakayahan para harapin ang Antarctica... Sa tingin ko, nagawa kong mapabilis sa loob ng isang taon ang posibleng sana’y umabot ng dalawa o tatlong taon.”
Pagkatuto habang kumikilos
Bahagi ng pagsasanay ni James ay isinagawa sa matataas na lupain ng Iceland, kung saan ang pabagu-bagong panahon at nagbabagong kalagayan ng lupain ay mas malapit na katulad ng mga kondisyong haharapin niya sa Antarctica. Ang malawak na lugar na nababalutan ng niyebe ang naging lugar ng pagsubok, hindi lang para sa kanyang gear at paggawa ng desisyon, kundi pati na rin sa kung paano niya ginagamit ang ChatGPT sa aktuwal na mga kondisyon.
Nang masira ang kalan niya habang malamig ang panahon, inilarawan ni James ang problema sa ChatGPT at agad na sinubukan ang solusyon. Ginamit din niya ito para magdisenyo ng mga ehersisyo batay sa kung ano ang mayroon, at para pagandahin ang kanyang ayos, hanggang sa maliliit na desisyong makakabawas ng bigat, gaya ng paghati sa kanyang sepilyo sa dalawa.
Sa mahahabang yugto ng pagbibisikleta, ginamit niya ang ChatGPT para tantiyahin ang kaniyang bilis at pagsisikap, at inaayos batay sa distansya, tibok ng puso, at natitirang liwanag ng araw. Sa kampo, naging paraan ito para kumuha ng mga ideya at balikan ang mga ito kalaunan, mula sa maliliit na pagsasaayos sa kaniyang setup hanggang sa mga sandali sa araw na gusto niyang pag-isipan ito. “Ginamit ko ito para i-download ang mga iniisip ko, halos parang isang audio diary,” ang sabi niya.

Tinutuloy ni James ang paglalakbay sa gitna ng puting ulap ng niyebe habang nagsasanay sa Highlands ng Iceland.

Si James, nasa kalagitnaan ng biyahe sa Iceland.

Hinihila ni James ang kanyang gear at mga suplay bilang paghahanda para sa ekspedisyon sa Antarctica, kung saan dadalhin niya ang lahat ng kailangan niya para sa 60 araw.

Mula sa loob ng kanyang tent sa Iceland, ginagamit ni James ang ChatGPT para matukoy at ayusin ang problema sa kanyang kalan pang-ekspedisyon.
Isang bagong katuwang sa pag-iisip
Habang umuusad ang pagsasanay, mas nagiging hindi na lang tungkol sa paggawa ng plano ang ChatGPT, kundi sa pagtulong kay James na manatili sa loob ng planong iyon.
Nagbibigay ito sa kanya ng paraan para pag-isipan at harapin ang mga desisyon habang lumilitaw ang mga ito, na pinag-uugnay ang dati na niyang alam sa nararanasan niya sa kasalukuyan—hindi para makarating sa isang pangwakas na solusyon, kundi para panatilihing umuusad ang proseso, lalo na kapag mahirap na lubos na maunawaan o maipaliwanag ang mga bagay. “Maaaring hindi nito ako mabigyan ng tiyak na sagot,” sabi niya. “Pero talagang nakakatulong ito sa akin na maisip ang mga tamang tanong.”
Nagiging mahalaga ang pagbabagong iyon. Marami sa mga pinagdaraanan niya ay hindi ganoon kasimple. Maaaring mahirap ipahayag sa mga salita ang mga kalagayan, ang pagsisikap, at maging ang mga dahilan sa likod ng ginagawa niya. Ang ChatGPT ay naging paraan para harapin ang mga tanong na iyon, sa halip na iwasan ang mga ito.
Para kay James, ang paglalakbay ay hindi lang tungkol sa pag-abot sa South Pole; tungkol ito sa pag-alam kung paano makarating doon. Ang pinakamahalaga ay ang proseso: ang kakayahang patuloy na magpasya, patuloy na umangkop, at patuloy na sumulong. Isang desisyon sa isang pagkakataon.
“Siguro, Antarctica na ang hangganan ko. Marahil sa malawak na puting disyertong iyon, matatagpuan ko ang sukdulang hangganan ng sarili kong kakayahan.”