Pinagsamang Pahayag mula sa OpenAI at Microsoft
Mula noong 2019, nagtutulungan na ang Microsoft at OpenAI upang isulong ang artipisyal na katalinuhan sa responsableng paraan at ma-aacess nang marami ang mga benepisyo nito. Ang nagsimula bilang pakikipagtulungan sa pananaliksik ay lumago at naging isa sa pinakamahuhusay na kolaborasyon sa teknolohiya—nakabatay sa tiwala sa isa't isa, malalim na teknikal na integrasyon, at pangmatagalang pagtatalaga sa inobasyon.
Habang lumalawak ang mga pag-uusap tungkol sa mga pamumuhunan at pagtutulungan sa AI at habang inaanunsyo ng OpenAI ang bagong pagpopondo at mga bagong katuwang gaya ng ginawa nila ngayon, gusto naming tiyakin na nauunawaan ang mga anunsyong ito sa loob ng umiiral na balangkas ng aming pagtutulungan. Walang anumang bagay tungkol sa mga anunsyo ngayong araw ang sa anumang paraan ay babago sa mga tuntunin ng kaugnayan ng Microsoft at OpenAI na naibahagi na dati sa aming pinagsamang blog noong Oktubre 2025.
Ang pakikipagtulungang ito ay nananatiling matibay at pangunahin. Patuloy ang pagtutulungan ang Microsoft at OpenAI sa pananaliksik, engineering, at pagbuo ng produkto, na hango sa mga taon ng malalim na kolaborasyon at pinagsasaluhang tagumpay.
Ang aming kaugnayan sa IP ay nagpapatuloy nang hindi nagbabago. Pinananatili ng Microsoft ang eksklusibong lisensya at access nito sa intelektwal na pag-aari sa buong mga modelo at produkto ng OpenAI. Ang mga kolaborasyon na gaya ng pakikipagtulungan sa pagitan ng OpenAI at Amazon ay palaging isinasaalang-alang sa ilalim ng aming mga kasunduan at nasasabik ang Microsoft na makita kung ano ang mabubuo nila nang magkasama.
Ang aming kaugnayan pagdating sa paghahati sa komersyal at kita ay nananatiling hindi nagbabago. Ang kasalukuyang kasunduan sa pagbabahagi ng kita ay nananatiling hindi nagbabago at palagi nang kasama ang pagbabahagi ng kita mula sa mga pakikipagtulungan sa pagitan ng OpenAI at iba pang provider ng cloud.
Ang Azure ay nananatiling eksklusibong provider ng cloud ng mga walang estadong OpenAI API. Ang Microsoft ang eksklusibong provider ng cloud para sa mga walang estadong API na nagbibigay ng access sa mga modelo at IP ng OpenAI. Maaaring bilhin ang mga API na ito mula sa Microsoft o direkta mula sa OpenAI. Nakikinabang ang mga customer at developer sa pandaigdigang imprastraktura, seguridad, at mga kakayahang pangnegosyo ng Azure sa malakihang saklaw. An anumang walang estadong tawag sa API sa mga modelo ng OpenAI na magreresulta sa kolaborasyon sa pagitan ng OpenAI at anumang third party—kabilang ang Amazon—ay iho-host sa Azure.
Ang mga first party na produkto ng OpenAI, kabilang ang Frontier, ay patuloy na iho-host sa Azure.
Hindi nagbago ang depinisyon at mga proseso ng AGI. Ang kontraktuwal na depinisyon ng AGI at ang proseso para matukoy kung nakamit na ito ay nananatiling pareho.
Ang pakikpagtulungan ay sumusuporta sa paglago ng OpenAI. Habang nag-i-scale ang OpenAI, patuloy itong may kakayahang umangkop para mangakong maglalaan ng karagdagang compute sa iba pang lugar, kabilang ang sa pamamagitan ng malawakang mga inisyatibo sa imprastraktura gaya ng proyektong Stargate.
Ang pagtutulungan ay dinisenyo para bigyan ang Microsoft at OpenAI ng pagkakataong ituloy ang mga bagong oportunidad nang magkahiwalay, habang patuloy na nagtutulungan, na siyang ginagawa ng bawat kumpanya, nang magkasama at nang magkahiwalay.
Nananatili kaming nakatuon sa aming pakikipagtulungan at sa magkatuwang na misyon na nagbuklod sa amin. Patuloy kaming nakikipagtulungan nang side‑by‑side para maghatid ng makapangyarihang mga tool ng AI, isulong ang responsableng pag-develop, at matiyak na mapapakinabangan ang AI ng mga tao at organisasyon sa lahat ng dako.


